Posts

Showing posts with the label 28

Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Antonio Maria Claret, Obispo Mahal na Birhen ng Sabado UNANG PAGBASA Efeso 4, 7-16 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, ang bawat isa sa ati’y binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Kristo. Ganito ang sinasabi ng Kasulatan, “Nang umakyat siya sa kalangitan, Nagdala siya ng maraming bihag, At nagbigay ng mga kaloob sa tao.” Ano ang ibig sabihin ng “umakyat siya?” Ang ibig sabihin niyan ay bumaba muna siya rito sa lupa. Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan, sa kabila ng mga langit, upang malaganapan ng kanyang kapangyarihan ang kalahat-lahatan. At ang iba’y ginawang apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y ebanghelista, ang iba’y pastor at guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang, sa ikauunlad ng kanyang simbahan. Sa gayun, tayong lahat ay magkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos at magiging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Kristo. Hindi tayo matut...

Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Galacia 5, 1-6 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, pinalaya tayo ni Kristo upang manatiling malaya. Magpakatatag nga kayo, at huwag nang paaalipin uli! Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo: kapag napatuli kayo, pinawawalang-kabuluhan ninyo si Kristo. Sinasabi ko sa inyo at sa sinumang napatutuli: kailangang sundin niya ang buong Kautusan. Ang nagsisikap na maging matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan ay napahiwalay na kay Kristo at wala nang karapatan sa habag ng Diyos. Ngunit umaasa kami na sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ay aariin kaming matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa mga nakipag-isa kay Kristo Hesus, wala nang halaga ang pagtutuli o di pagtutuli. Ang mahalaga’y ang pananampalatayang nakikita sa gawang udyok ng pag-ibig. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Ang dakilang pag-ibig mo sa akin ay ipahaya...

Ang Boung Texto ng Pagbibitiw ng Sto. Papa Benedicto XVI

Image
Dear Brothers, I have convoked you to this Consistory, not only for the three canonizations, but also to communicate to you a decision of great importance for the life of the Church. After having repeatedly examined my conscience before God, I have come to the certainty that my strengths, due to an advanced age, are no longer suited to an adequate exercise of the Petrine ministry. I am well aware that this ministry, due to its essential spiritual nature, must be carried out not only with words and deeds, but no less with prayer and suffering. However, in today’s world, subject to so many rapid changes and shaken by questions of deep relevance for the life of faith, in order to govern the barque of Saint Peter and proclaim the Gospel, both strength of mind and body are necessary, strength which in the last few months, has deteriorated in me to the extent that I have had to recognize my incapacity to adequately fulfill the ministry entrusted to me. For this reason, and well awar...

San Lorenzo Ruiz

Image
Ngayon ay ipinagdiriwang ng boung sangkaKristiyano ang kapistahab ni San Lorenzo Ruiz. Ang unang Filipinong Santo. Isang Martir. Si San Lorenzo ay ipinanganak noong Nobyembre 28 1594 sa Binondo, Manila mula sa isang tatay na Intsik at Filipinang nanay, parehong katoliko. Ang tatay niya ang nagturo ng wikang Intsik at ang kanyang nanay naman ng Filipino. Si San Lorenzo Ruiz ay naglingkod sa mga paring Dominikano bilang sakristan sa simbahan ng Binondo, Ang parokya ng Mahal na Birhen ng Rosaryo na ngayon ay kilala na Basilika Minores ni San Lorenzo Ruiz. Dito rin siya naglingkod bilang escribano o manunulat dahil sa maganda niyang panunulat. Naging miyembro siya ng Samahan ng Banal na  Rosaryo (Cofradia del Santissimo Rosario). Napangasawa niya si Rosaryo at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki at isang babae.  Habang nagtrarabaho siya  bilang mamumulat sa kanyang parokya napagbintangan siya noon 1636 na nakapatay sa isang Kastila. Hinangad niyang ...

Miyerkules - Disyembre 28, 2011, Ninos Inocentes

Image
Miyerkules - Disyembre 28, 2011 Ninos Inocentes Unang Pagbasa 1 Juan 1:5–2:2 Mamuhay Ayon sa Liwanag 5 Ito ang aming narinig sa kanyang Anak at ipinapahayag naman namin sa inyo: ang Diyos ay ilaw at walang anumang kadiliman sa kanya. 6 Kung sinasabi nating tayo'y may pakikiisa sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay ayon sa katotohanan. 7 Ngunit kung namumuhay tayo ayon sa liwanag, gaya ng pananatili niya sa liwanag, tayo'y nagkakaisa at ang lahat ng ating kasalanan ay nililinis ng dugo ni Jesus na kanyang Anak. 8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. 9 Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid. 10 Kung sinasabi nating hindi tayo nagkakasala, ginagawa nati...

Lunes - Nobyembre 28, 2011 Unang linggo ng Adbiyento

Image
Lunes - Nobyembre 28, 2011      Unang linggo ng Adbiyento Unang Pagbasa                                 Isaias 2: 1-5 Kapayapaang Walang Hanggan 1 Ito ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem: 2 Sa mga darating na araw, ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh ang magiging pinakamataas sa lahat ng bundok, at mamumukod sa lahat ng burol, daragsa sa kanya ang lahat ng bansa. 3 Maraming tao ang darating at sasabihin ang ganito: "Umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa Templo ng Diyos ni Jacob, upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan; at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas. Sapagkat sa Zion magmumula ang kautusan, at sa Jerusalem, ang salita ni Yahweh." 4 Siya ang mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng katarungan sa lahat ng mga tao; kaya't gagawin na nilang araro ang...