Genesis 5


Ang lahi ni Adan

  5  1 Ito ang salaysay ng lahi ni Adan. Nang  likhain ng Diyos si Adan, ginawa niya siyang kahawig ng Diyos. Nilikha niya silang lalaki at babae, pinagpala at tinawag na Adan (na ibig sabihi’y Tao).
Isandaa’t tatlumpung taong gulang si Adan nang maging ama ng isang anak na lalaki na kahawig niya, na kanyang larawan. Pinanga­lanan niya itong Set. Pag­ka­panganak kay Set, nabuhay pa si Adan nang walundaang taon at nag­karoon ng marami pang anak na lalaki at babae. Sa kabuuan ay nabuhay si Adan nang siyamnaraa’t tatlumpung taon. At namatay siya.

Isandaa’t limang taong gulang si Set nang maging ama ni Enos. Pagkasilang kay Enos, nabuhay si Set nang walun­daa’t pitong taon. Nagkaroon din siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
Sa kabuuan, nabuhay si Set nang siyam­naraa’t labindalawang taon. At namatay siya.

Siyamnapung taong gulang si Enos nang maging ama ni Cainan. 10 Pagka­panganak kay Cainan, nabuhay si Enos nang walundaa’t labin­­limang taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 11Sa kabuuan, na­bu­hay si Enos nang siyamnaraa’t limang taon. At namatay siya.

12 Pitumpung taong gulang si Cainan nang maging ama ni Malael. 13 Pagkapa­nganak kay Malael, nabuhay si Cainan nang walundaa’t apatnapung taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 14 Sa kabuuan, nabuhay si Cainan nang siyamnaraa’t sampung taon. At namatay siya.

15 Animnapu’t limang taong gulang si Malael nang maging ama ni Yared. 16 Pagkapa­nganak kay Yared, nabuhay si Malael nang walundaa’t tatlumpung taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 17 Sa kabuuan, na­buhay si Malael nang walundaa’t siyam­napu’t limang taon. At namatay siya.

18 Isandaa’t animnapu’t dalawang taon si Yared nang maging ama ni Enoc. 19 Pagka­panganak kay Enoc, nabuhay si Yared nang walundaang taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 20 Sa kabuuan, nabuhay si Yared nang siyamnaraa’t anim­napu’t dalawang taon. At namatay siya.

21 Animnapu’t limang taon si Enoc nang maging ama ni Matusalem. 22 Pagkapa­nganak kay Matusalem, lumakad si Enoc na kasama ang Diyos sa loob ng tatlundaang taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 23 Sa kabuuan, nabuhay si Enoc nang tatlundaa’t animnapu’t limang taon. 24 Na­buhay si Enoc sa piling ng Diyos, at wala na siya rito sapagkat kinuha siya ng Diyos.


 25 Isandaa’t walumpu’t pitong taon si Matusalem nang maging ama ni Lamec. 26 Pagka­panganak kay Lamec, nabuhay si Matusalem nang pitundaa’t walumpu’t dalawang taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.

27 Sa kabuuan, nabuhay si Matusalem nang siyamnaraa’t animnapu’t siyam na taon. At namatay siya. 28 Isandaa’t walum­pu’t dalawang taon si Lamec nang maging ama ng isang anak na lalaki, 29 at pina­ngalanan itong Noe, at sinabi niyang “Aaliwin niya tayo sa mabigat at mahirap na pagpapagal ng ating mga kamay dahil isinumpa ni Yawe ang lupa.” 30 Pagka­panganak kay Noe, nabuhay si Lamec nang limandaa’t siyamnapu’t limang taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 31 Sa kabuuan, nabuhay si Lamec nang pitun­daa’t pitumpu’t pitong taon. At namatay siya.

32 Limandaang taon si Noe nang maging ama siya nina Sem, Kam, at Yafet.



Share

Comments