Posts

Showing posts with the label noe

Genesis 7

Image
7   1   Sinabi ni Yawe kay Noe: “Puma­­sok ka sa daong, ikaw at ang iyong pamilya, sapagkat ikaw lamang ang nakita kong matuwid sa salin­lahing ito.  2   Magsama ka ng pitong pares mula sa bawat uri ng malilinis na hayop, tig-isang lalaki at babae, at tigdadalawa mula sa bawat uri ng di-malilinis na hayop, tig-isang barako at inahin.  3   Ga­yun­din sa mga ibon sa langit, tigpipitong pares mula sa bawat uri upang magkaroon ng bagong buhay sa daig­dig.  4  Sapagkat sa loob ng pitong araw, apatnapung araw at apat­napung gabi kong pabubuhusin ang ulan sa lupa. Papawiin ko sa balat ng lupa ang lahat ng maybuhay na nilikha ko.” 5  At ginawa ni Noe ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yawe.   6   Anim­naraang taon si Noe nang dumating ang Malaking Baha sa lupa. 7   Kaya pumasok si Noe sa daong, ka­sama ang kanyang mga anak, ang kanyang asawa, ang asa-asawa ng kan­yang mga anak upang maligtas sa tubig ng baha. 8  Pumun...

Genesis 5

Image
Ang lahi ni Adan    5   1  Ito ang salaysay ng lahi ni Adan. Nang  likhain ng Diyos si Adan, ginawa niya siyang kahawig ng Diyos.  2  Nilikha niya silang lalaki at babae, pinagpala at tinawag na Adan (na ibig sabihi’y Tao). 3  Isandaa’t tatlumpung taong gulang si Adan nang maging ama ng isang anak na lalaki na kahawig niya, na kanyang larawan. Pinanga­lanan niya itong Set.  4  Pag­ka­panganak kay Set, nabuhay pa si Adan nang walundaang taon at nag­karoon ng marami pang anak na lalaki at babae.  5  Sa kabuuan ay nabuhay si Adan nang siyamnaraa’t tatlumpung taon. At namatay siya. 6  Isandaa’t limang taong gulang si Set nang maging ama ni Enos.  7  Pagkasilang kay Enos, nabuhay si Set nang walun­daa’t pitong taon. Nagkaroon din siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 8  Sa kabuuan, nabuhay si Set nang siyam­naraa’t labindalawang taon. At namatay siya. 9  Siyamnapung taong gu...

Lukas 17:26-37

Image
S inabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Tulad ng nangyari sa panahon ni Noe, gayundin sa mga araw ng Anak ng Tao. Kumakain sila at umiinom, nag-aasawa ang mga lalaki at mga babae, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong at dumating ang baha na pumuksa sa lahat. Tulad sa panahon ni Lot: kumakain sila at umiinom, nagtitinda at namimili, nagtatanim at nagtatayo. At nang lumabas si Lot mula sa Sodom, nagpaulan ang Diyos mula sa Langit ng apoy at asupre na pumuksa sa lahat. Ganito rin sa araw na ibubunyag ang Anak ng Tao. “Sa araw na iyon, huwag nang bumaba pa sa bahay ang nasa terasa para kunin ang kanyang mga gamit at huwag nang umuwi pa ang nasa bukid. Alalahanin n’yo ang asawa ni Lot. Mawalan ng kanyang sarili ang sinumang nagsisikap na magligtas nito at ang mawawalan naman ng sarili ang magsisilang nito sa buhay. “Sinasabi ko sa inyo: kung may dalawa sa isang higaan sa gabing iyon, dadalhin ang isa at iiwan ang isa pa; kung may dalawang babaeng magkasamang gumigiling, dadalhin ...

Miyerkules - Enero 4, 2012

Image
Miyerkules - Enero 4, 2012 Genesis 8–10 Wala nang Baha 1 Hindi nawaglit sa isipan ng Diyos si Noe at ang lahat ng hayop na kasama niya sa malaking barko. Kaya't pinaihip niya ang hangin, at nagsimulang humupa ang tubig. 2 Huminto ang mga bukal at tumigil ang pagbuhos ng ulan. 3 Patuloy na humupa ang tubig, at pagkaraan ng 150 araw ay mababa na ang baha. 4 Sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat noong ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan. 5 Patuloy ang paghupa ng tubig at nang unang araw ng ikasampung buwan, lumitaw ang taluktok ng mga bundok. 6 Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng barko na kanyang ginawa. 7 Pinalipad niya ang isang uwak at ito'y nagpabalik-balik hanggang matuyo ang tubig sa lupa. 8 Pagkatapos nito, pinalipad naman niya ang isang kalapati upang tingnan kung wala nang tubig. 9 Palibhasa'y laganap pa ang tubig, hindi makalapag ang kalapati, kaya't nagbalik ito at muling ipinasok ni Noe sa barko. 10 Pitong araw pang naghinta...