Posts

Showing posts with the label Pilipino

Genesis 7

Image
7   1   Sinabi ni Yawe kay Noe: “Puma­­sok ka sa daong, ikaw at ang iyong pamilya, sapagkat ikaw lamang ang nakita kong matuwid sa salin­lahing ito.  2   Magsama ka ng pitong pares mula sa bawat uri ng malilinis na hayop, tig-isang lalaki at babae, at tigdadalawa mula sa bawat uri ng di-malilinis na hayop, tig-isang barako at inahin.  3   Ga­yun­din sa mga ibon sa langit, tigpipitong pares mula sa bawat uri upang magkaroon ng bagong buhay sa daig­dig.  4  Sapagkat sa loob ng pitong araw, apatnapung araw at apat­napung gabi kong pabubuhusin ang ulan sa lupa. Papawiin ko sa balat ng lupa ang lahat ng maybuhay na nilikha ko.” 5  At ginawa ni Noe ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yawe.   6   Anim­naraang taon si Noe nang dumating ang Malaking Baha sa lupa. 7   Kaya pumasok si Noe sa daong, ka­sama ang kanyang mga anak, ang kanyang asawa, ang asa-asawa ng kan­yang mga anak upang maligtas sa tubig ng baha. 8  Pumun...

Genesis 6

Image
Mga anak ng Diyos at mga anak ng tao    6   •  1   Nang magsimulang dumami ang tao sa lupa at nagkaroon sila ng mga anak na babae,  2   napansin ng mga anak na lalaki ng Diyos na magaganda ang mga anak na babae ng tao. At kinuha nila bilang asawa ang sinu­mang mapusuan nila.  3   Sinabi ni Yawe: “Hindi habang panahong mananatili ang aking espi­ritu sa tao sapagkat siya nga­yo’y laman na lamang. Hanggang isandaa’t dala­wam­pung taon lamang aabot ang kanyang buhay.”  4  May mga higante sa lupa nang panahong iyon at maging pag­ka­raan noon, nang makipisan ang mga anak ng Diyos sa mga anak na babae ng tao at nag­ka­anak sa mga ito. Sila ang mga bayani ng nag­daang panahon, ang mga tanyag na tao. Ang baha •   5   Nakita ni Yawe na labis na ang kala­pas­tanganan ng mga tao sa lupa at wala nang laman ang puso kundi kasamaan sa lahat ng araw.  6   Pinagsisihan ni Yawe kung bakit nilikha pa niya ang tao sa ...

Genesis 5

Image
Ang lahi ni Adan    5   1  Ito ang salaysay ng lahi ni Adan. Nang  likhain ng Diyos si Adan, ginawa niya siyang kahawig ng Diyos.  2  Nilikha niya silang lalaki at babae, pinagpala at tinawag na Adan (na ibig sabihi’y Tao). 3  Isandaa’t tatlumpung taong gulang si Adan nang maging ama ng isang anak na lalaki na kahawig niya, na kanyang larawan. Pinanga­lanan niya itong Set.  4  Pag­ka­panganak kay Set, nabuhay pa si Adan nang walundaang taon at nag­karoon ng marami pang anak na lalaki at babae.  5  Sa kabuuan ay nabuhay si Adan nang siyamnaraa’t tatlumpung taon. At namatay siya. 6  Isandaa’t limang taong gulang si Set nang maging ama ni Enos.  7  Pagkasilang kay Enos, nabuhay si Set nang walun­daa’t pitong taon. Nagkaroon din siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 8  Sa kabuuan, nabuhay si Set nang siyam­naraa’t labindalawang taon. At namatay siya. 9  Siyamnapung taong gu...

Genesis 1

Image
1 •  1  Nang simulang likhain ng Diyos      ang langit at lupa,   2  ang lupa ay walang anyo at walang nabu­buhay. Nababalot ng kadiliman ang kailaliman at aali-aligid ang espi­ritu ng Diyos sa iba­baw ng mga tubig. 3  Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwa­nag,” at nagkaroon ng liwanag.   4  Minas­dan ng Diyos ang liwanag – at iyon nga ay mabuti – at inihiwalay niya ang liwanag sa kadiliman.   5  Tinawag ng Diyos na “Araw” ang liwanag, at “Gabi” ang kadiliman. Gumabi at umu­maga: ang Unang Araw. 6  Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng ma­tibay na sahig sa pagitan ng mga tubig upang paghiwalayin ang mga tubig sa kapwa-tubig.”   7  Sa gayon, gina­wa ng Diyos ang sahig na naghi­hiwalay sa tubig na nasa silong nito at sa tubig na nasa ibabaw nito. At gayon nga ang nang­yari.  8  Tinawag ng Diyos na “Langit” ang matibay na sahig. Guma­bi at umu­maga: ang Ikalawang Araw. 9  Sinabi ng Diy...

Blogs ng mga Katolikong Pilipino

Image
Isang pagkakataon na maipon ang lahat ng mga bloggers na Katoliko. Kaya nga ang pahina na ito ay isa sa mga lugar na kung saan ay matatagpuan ang lahat ng mga gawa ng mga Pilipinong Katoliko na Naglalaman tungkol sa ating pananampalataya lalong lalo na ngayong ipinagdiriwang natin ang Taon ng Pananampalataya mula ngayong Oktubre 11, 2012 hanggang November 24, 2013. Isang malaking pagkilos din ang paglalagay ng sariling sayt para sa network na ito ng mga Pilipinong Katolikong grupo. Bagamat may network na tungkol sa mga katolikong blogger pero nais na mabigyan mismo ang isang grupo ng mga Pilipinong aktibo sa internet na handang ipagtangol o magpahayag tungkol sa pananampalatayang katoliko. Matagal na tayong nanahimik sa walang habas na pag-aatake ng ibang pananampalataya at sekta. Kinakailangan ding marinig nila ang tinig ng Katolikong Pilipino dahil sa sinabi ni Kristo Hesus sa Mateo 28:18. 'Turuan ninyo sila ng dapat nilang malaman". Matatagpuan ang network na ito s...

Announcement: Katesismo blog

Image
It seems that I cannot run out of ideas of what blog shall I make but surely I am running out of time to update them. This one is simply posting out the Filipino version of the Catechism of the Catholic Church (CCC), Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko .Catechism in Filipino is rare in the internet. I hope this could be of help for Catholic faithful. Here is my introduction to the said blog: Pauna Maraming naghahanap ng mga bagay tungkol sa pananampalatayang katoliko sa wikang Pilipino, ngunit wala silang matagpuan. Kaya ninais ko sa pamamagitan ng sariling pagkukusa ang paglalagay ng mga bagay na ito katulad ng " katesismo para sa Pilipinong Katoliko " dito sa internet. Ang Catholic Bishop Conference of the Philippines ang siyang may karapatan nito kaya lang wala akong boses upang ito ay maipahatid sa kanilang pandinig. Ginagawa ko ito sa sa sarili kung kakayahan na isa-isang isulat ang mga bagay na ito dito sa blogs. Bagamat di akin ang "content" akin ang p...