Posts

Showing posts with the label tipan

Huwebes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto At ngayo’y ipinaaalaala ko sa inyo, mga kapatid, ang Mabuting Balita na ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang ebanghelyo na inyong tinanggap at naging saligan ng iyong pananampalataya. Sa pamamagitan nito’y naliligtas kayo, kung matatag kayong nananangan sa salitang ipinangaral ko sa inyo – liban na nga lamang kung kayo’y sumampalataya na di iniisip ang inyong sinampalatayanan. Sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang aral na tinanggap ko rin: si Kristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan sa nasasaad sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan; at siya’y napakita kay Pedro, saka sa Labindalawa. Pagkatapos, napakita siya sa mahigit na limandaang kapatid na nagkakatipon. Marami sa kanila’y buhay pa hanggang ngayon, bagamat patay na ang ilan. At napakita rin siya kay Santiago, saka sa mga apostol na sama-sama noon. ...

Isaias 49, 8-15

Image
Aklat ni propeta Isaias 49, 8-15 Sabi ng Panginoon sa kanyang bayan: “Sa araw ng pagliligtas sa iyo ay lilingapin kita, at tutugunin ang paghingi mo ng saklolo. Babantayan kita at iingatan; sa pamamagitan mo’y gagawa ako ng tipan sa mga tao, ibabalik kita sa sariling lupain na ngayon ay walang kaayusan. Palalayain ko ang nasa bilangguan at bibigyan ng liwanag ang nasa kadiliman. Sila’y matutulad sa mga tupang nanginginain sa magandang pastulan. Hindi sila magugutom ni mauuhaw. Hindi rin daranas Ng matinding init ng sikat ng araw at sa disyerto sapagkat papatnubayan sila noong isa na nagmamahal sa kanila. Sila’y ihahatid niya sa bukal ng tubig. Gagawa ako ng lansangan sa gitna ng mga bundok at ako’y maghahanda ng daan, para siyang daanan ng aking bayan. Darating ang bayan ko buhat sa malayo, mula sa hilaga at sa kanluran, gayun din sa Sevene sa timog.” Kalangitan umawit ka! Lupa, ikaw ay magalak, gayun din ang mga bundok, pagkat inaaliw ng Panginoon ...

Genesis 7

Image
7   1   Sinabi ni Yawe kay Noe: “Puma­­sok ka sa daong, ikaw at ang iyong pamilya, sapagkat ikaw lamang ang nakita kong matuwid sa salin­lahing ito.  2   Magsama ka ng pitong pares mula sa bawat uri ng malilinis na hayop, tig-isang lalaki at babae, at tigdadalawa mula sa bawat uri ng di-malilinis na hayop, tig-isang barako at inahin.  3   Ga­yun­din sa mga ibon sa langit, tigpipitong pares mula sa bawat uri upang magkaroon ng bagong buhay sa daig­dig.  4  Sapagkat sa loob ng pitong araw, apatnapung araw at apat­napung gabi kong pabubuhusin ang ulan sa lupa. Papawiin ko sa balat ng lupa ang lahat ng maybuhay na nilikha ko.” 5  At ginawa ni Noe ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yawe.   6   Anim­naraang taon si Noe nang dumating ang Malaking Baha sa lupa. 7   Kaya pumasok si Noe sa daong, ka­sama ang kanyang mga anak, ang kanyang asawa, ang asa-asawa ng kan­yang mga anak upang maligtas sa tubig ng baha. 8  Pumun...

Genesis 6

Image
Mga anak ng Diyos at mga anak ng tao    6   •  1   Nang magsimulang dumami ang tao sa lupa at nagkaroon sila ng mga anak na babae,  2   napansin ng mga anak na lalaki ng Diyos na magaganda ang mga anak na babae ng tao. At kinuha nila bilang asawa ang sinu­mang mapusuan nila.  3   Sinabi ni Yawe: “Hindi habang panahong mananatili ang aking espi­ritu sa tao sapagkat siya nga­yo’y laman na lamang. Hanggang isandaa’t dala­wam­pung taon lamang aabot ang kanyang buhay.”  4  May mga higante sa lupa nang panahong iyon at maging pag­ka­raan noon, nang makipisan ang mga anak ng Diyos sa mga anak na babae ng tao at nag­ka­anak sa mga ito. Sila ang mga bayani ng nag­daang panahon, ang mga tanyag na tao. Ang baha •   5   Nakita ni Yawe na labis na ang kala­pas­tanganan ng mga tao sa lupa at wala nang laman ang puso kundi kasamaan sa lahat ng araw.  6   Pinagsisihan ni Yawe kung bakit nilikha pa niya ang tao sa ...

Genesis 5

Image
Ang lahi ni Adan    5   1  Ito ang salaysay ng lahi ni Adan. Nang  likhain ng Diyos si Adan, ginawa niya siyang kahawig ng Diyos.  2  Nilikha niya silang lalaki at babae, pinagpala at tinawag na Adan (na ibig sabihi’y Tao). 3  Isandaa’t tatlumpung taong gulang si Adan nang maging ama ng isang anak na lalaki na kahawig niya, na kanyang larawan. Pinanga­lanan niya itong Set.  4  Pag­ka­panganak kay Set, nabuhay pa si Adan nang walundaang taon at nag­karoon ng marami pang anak na lalaki at babae.  5  Sa kabuuan ay nabuhay si Adan nang siyamnaraa’t tatlumpung taon. At namatay siya. 6  Isandaa’t limang taong gulang si Set nang maging ama ni Enos.  7  Pagkasilang kay Enos, nabuhay si Set nang walun­daa’t pitong taon. Nagkaroon din siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 8  Sa kabuuan, nabuhay si Set nang siyam­naraa’t labindalawang taon. At namatay siya. 9  Siyamnapung taong gu...

Panimula sa Matandang Tipan ng Biblia ng Sambayanang Pilipino

Image
  Panimula sa Matandang Tipan

Huwebes - Enero 12, 2012, Unang Linggo ng Taon

Image
Huwebes - Enero 12, 2012 Unang Linggo ng Taon Unang Pagbasa 1 Samuel 4:1-11 Nalupig ang Israel 1 Dumating ang araw na nakipagdigmaan ang mga Israelita laban sa mga Filisteo. Sa Ebenezer nagkampo ang mga Israelita at sa Afec naman ang mga Filisteo. 2 Sumalakay ang mga Filisteo, at pagkalipas ng isang matinding labanan ay natalo nila ang mga Israelita; sila'y nakapatay ng halos apatnalibong kawal ng Israel. 3 Nang makabalik na ang mga nakaligtas sa kanilang kampo, nagtanungan ang matatandang namumuno sa Israel, "Bakit kaya pinabayaan ni Yahweh na matalo tayo ng mga Filisteo ngayon? Ang mabuti pa'y kunin natin sa Shilo ang Kaban ng Tipan upang samahan tayo ni Yahweh. Siguro kung nasa atin iyon ay ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway." 4 At kinuha nga nila sa Shilo ang Kaban ng Tipan, na kung saan si Yahweh ay nakaluklok sa trono sa ibabaw ng mga kerubin. Sumama sa kanila ang dalawang anak ni Eli na sina Hofni at Finehas. 5 Napasi...

Miyerkules - Enero 4, 2012

Image
Miyerkules - Enero 4, 2012 Genesis 8–10 Wala nang Baha 1 Hindi nawaglit sa isipan ng Diyos si Noe at ang lahat ng hayop na kasama niya sa malaking barko. Kaya't pinaihip niya ang hangin, at nagsimulang humupa ang tubig. 2 Huminto ang mga bukal at tumigil ang pagbuhos ng ulan. 3 Patuloy na humupa ang tubig, at pagkaraan ng 150 araw ay mababa na ang baha. 4 Sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat noong ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan. 5 Patuloy ang paghupa ng tubig at nang unang araw ng ikasampung buwan, lumitaw ang taluktok ng mga bundok. 6 Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng barko na kanyang ginawa. 7 Pinalipad niya ang isang uwak at ito'y nagpabalik-balik hanggang matuyo ang tubig sa lupa. 8 Pagkatapos nito, pinalipad naman niya ang isang kalapati upang tingnan kung wala nang tubig. 9 Palibhasa'y laganap pa ang tubig, hindi makalapag ang kalapati, kaya't nagbalik ito at muling ipinasok ni Noe sa barko. 10 Pitong araw pang naghinta...