Genesis 5
Ang lahi ni Adan 5 1 Ito ang salaysay ng lahi ni Adan. Nang likhain ng Diyos si Adan, ginawa niya siyang kahawig ng Diyos. 2 Nilikha niya silang lalaki at babae, pinagpala at tinawag na Adan (na ibig sabihi’y Tao). 3 Isandaa’t tatlumpung taong gulang si Adan nang maging ama ng isang anak na lalaki na kahawig niya, na kanyang larawan. Pinangalanan niya itong Set. 4 Pagkapanganak kay Set, nabuhay pa si Adan nang walundaang taon at nagkaroon ng marami pang anak na lalaki at babae. 5 Sa kabuuan ay nabuhay si Adan nang siyamnaraa’t tatlumpung taon. At namatay siya. 6 Isandaa’t limang taong gulang si Set nang maging ama ni Enos. 7 Pagkasilang kay Enos, nabuhay si Set nang walundaa’t pitong taon. Nagkaroon din siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 8 Sa kabuuan, nabuhay si Set nang siyamnaraa’t labindalawang taon. At namatay siya. 9 Siyamnapung taong gu...