Posts

Showing posts with the label 2020

Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Isaias 55, 6-9 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Hanapin ang Panginoon samantalang siya’y inyong makikita Siya ang tawagin habang malapit pa. Ang mga gawain ng taong masama’y dapat nang talikdan, at ang mga liko’y dapat magbago na ng maling isipan; sila’y manunumbalik, lumapit sa Panginoon upang kahabagan, at mula sa Diyos, matatamo nila ang kapatawaran. Ang wika ng Panginoon: “Ang aking isipa’y di ninyo isipan, at magkaiba ang ating daan. Kung paanong ang langit higit na mataas, mataas sa lupa, ang daa’t isip ko’y hindi maaabot ng inyong akala. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 144, 2-3. 8-9. 17-18 D’yos ay tapat at totoo sa dumadalanging tao. Aking pupurihi’t pasasalamatan ang D’yos araw-araw, di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman. Dakila ang Poon, at karapat-dapat na siya’y purihin; ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain. D’yos ay tapat at totoo sa dumadalanging tao. Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag. Banayad ...

Panalangin sa Panahon ng Paglikha 2020

Image
Itinalaga ng Federation of Asian Bishop Conference ang pagdiriwang sa taong iyo ng Panahon ng Paglikha mula September 1 hanggang Oktubre 4 ng kasalukuyang taon. Kaakibat nito nais kong ibahagi sa inyo ang pagsasalin ko sa sariling wika ng Panalangin sa Panahon ng Paglika 2020. Lumikha ng Buhay,  Sa iyong salita, ang Daigdig ay naglabas ng mga halaman na nagbubunga ng mga binhi at mga puno ng bawat uri na namumunga. Ang mga ilog, bundok, mineral, dagat at kagubatan ay nagtaguyod ng buhay. Ang mga mata ng lahat ay tumingin sa Iyo upang masiyahan ang pangangailangan ng bawat nabubuhay na bagay. At sa buong panahon, ang Daigdig ay nagpapanatili ng buhay. Sa pamamagitan ng pag-ikot ng planeta ng mga araw at panahon, pagbago at paglago, binubuksan mo ang iyong kamay upang bigyan ang mga nilalang ng aming pagkain sa tamang oras. Sa iyong Karunungan, nagbigay ka ng isang Araw ng Pamamahinga; isang pinagpalang panahon upang magpahinga bilang pasasalamat sa lahat ng iyong ibinigay; isang p...

Pambansang Buwan ng Katekesis 2020

Image
Bawat taon ang simbahang katoliko sa boung daigdig ay nagdiriwang ng  araw ng katekista at  ang mga Pilipinong Katoliko ay nagdiriwang ng buwan ng katesismo. Kalimitan ang bawat Katekista ay nagtitipon sa bawat Diocese upang ipagdiwang sa napiling araw sa buwan ng setyembre ang Pangdiyosesanong pagtitipon ganon din ang bawat mga catechetical director ng bawat diocese at mga napiling mga pari ay nagtitipon tuwing bakasyon taon taon ma kung tawagin ay Summer Catechetical Seminar for Priest (SCIP) ay  hindi po natuloy sa taong ito dulot ng pandemia na Covid 19 na nagsimula noong Marso ng kasalukuyang taon. Ngayong taon sa gitna ng pandemic ng Covid 19 ang tema ay FRUITFUL CATECHESIS: HEALING MISSION & THE NEW EVANGELIZATION MABUNGANG KATEKESIS: MISYONG NAGHIHILOM AT ANG BAGONG EBANGHELISASYON. Ang temang ito ay bingyan ng pagninilay ni Reberendo Padre Ernesto Belen bilang Executive Secretary ng Catholic Bishop's Conference of the Philippines - Episcopal Commission on...

Banal na Misa

Image
Sinusubukan kong magpost ng facebook livestreaming na nakasave na pero nais kung magkaroon din dito ng kopya para sa mga tagasunod ko kyng kakayanin. Medyo mahirap ang pag eedit ng html codes, medyo matagal ng napahinto tulad ng matagal ng hindi na rin nakakapag blog, Hintayin natin at baka naman nagaadjust pa ang connections ng codes between blogger at facebook.   <div class = "fb-video" data-href = "https://www.facebook.com/frjessie/videos/10160228588696258" data-show-text = "true" data-width = "" ><blockquote cite = "https://developers.facebook.com/frjessie/videos/10160228588696258/" class = "fb-xfbml-parse-ignore" ><a href = "https://developers.facebook.com/frjessie/videos/10160228588696258/" ></a><p></p> Posted by <a href = "https://www.facebook.com/frjessie" > Jessie Somosierra </a> on Tuesday, September 1, 2020 </blockquote></div>...