Posts

Showing posts with the label 3

Tugtugin ang Kampana

Image
Bilang bahagi ng palkikiisa natin sa pagdiriwang ng pagtatalaga kay Pedro Calungsod bilang ikalawang Santong Pilipino pinaabot ng kagalang-galang na Obispo na tugtugin ang lahat ng kampana sa darating na Linggo, Oktubre 21, 2012 sa loob ng tatlong minuto. Ito ang oras ng simula ng Misa sa Roma para sa pormal na pagtatalaga kay Pedro Calungsod  bilang Banal ng simbahang Katolika sa pamumuno ng Papa Benito XVI. Isang kagalakan na ang bagong Santo ay maging isang tanda ng bagong lakas upang harapin ang mga hamon ng pananampalataya sa makabagong panahon.
Image
Martes - Enero 24, 2012 Ika-3 Linggo ng Taon (Francisco de Sales) Unang Pagbasa 2 Samuel 6:12-19 12 May nagbalita kay Haring David na pinagpalang mabuti ni Yahweh si Obed-edom. Ito'y ikinagalak niya, kaya kinuha niya ang Kaban ng Tipan at dinala sa Jerusalem. 13 Hindi pa man nakakalayo, nakakaanim na hakbang pa lamang ang mga may dala ng Kaban ng Tipan, pinahinto na sila ni David at naghandog sila ng isang toro at isang pinatabang baka. 14 Isinuot ni David ang isang linong efod, at nagsasayaw siya sa harapan ni Yahweh. 15 Habang lumalakad ang mga Israelita, nagsisigawan sila sa tuwa at hinihipan ang mga trumpeta. 16 Nang sila'y papasok na ng lunsod, si David ay naglululundag at nagsasayaw. Nang siya'y madungawan ni Mical na anak ni Saul, hindi niya nagustuhan ang ginawa ni David. 17 Ipinasok nila sa tolda ang Kaban ng Tipan at inilagay sa lugar na nakalaan dito. Si David nama'y muling nag-alay ng mga handog na susunugin sa harapan ni ...

Kape't Pandasal- Archbishop Chito Tagle (January 3, 2012)

Image