Posts

Showing posts with the label 7

San Barakiel

Image
Si St. Barachiel o tawagin nating San Barakiel sa sarili nating wika ay kalimitang nakikita natin sa mga larawan o rebulto na isang Angel na may dala dalang isang basket na punong puno ng mga tinapay at pagkain. Si San Barackiel ay isa sa mga pitong kinikilalang Arkanghel sa Silangang Orthodox na Tradisyon. Sa mga makanluran na Tradisyon o Romanong Tradisyon tatlo lang ang kinikilalang mga prinsipe ng mga Anghel at di kasama si Barakiel dun. Bagamat nabibilang tayo sa Tradisyong Romano naging bahagi na natin ang pagkakilala sa pitong Arkanghel.   Ang pangalan na mula sa wikang Hebreo na Barkiel o Arabic na Buraqil na ibig sabihin ay Kidlat ng Diyos. Ang Ang bislig na puno ng basket na kalimitang nakikita sa larawan ni San Barakiel ay sumisimbolo sa mga makakristiyanong mga magulang na naglalaan ng panahon at pagod upang mapunuuan ang pangangailang ng mga Anak sa kanilang pangangailangang pang espiritwal at materyal. tinatagurian ring patron mg Kristiyanong magasa...

Sabado - Enero 7, 2012,Bago Mag-Epifania (Raymundo ng Penafort)

Image
Sabado - Enero 7, 2012 Bago Mag-Epifania (Raymundo ng Penafort) Unang Pagbasa 1 Juan 5:14-21 14 Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban. 15 At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya. 16 Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang di hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa kanya ng bagong buhay. Ito'y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito. 17 Ang lahat ng gawaing di matuwid ay kasalanan, ngunit may kasalanang hindi hahantong sa kamatayan. 18 Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat iniingatan sila ni Jesu-Cristo, at hindi sila maaaring galawin ng diy...

Sabado - Nobyembre 26, 2011,Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan

Image
Sabado - Nobyembre 26, 2011      Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan Unang Pagbasa                               Daniel 7: 15-27 Ang Kahulugan ng mga Pangitain                 15 Akong si Daniel ay nalito at nabagabag dahil sa pangitaing iyon.  16 Kaya't nilapitan ko ang isang nakatayo roon at tinanong ko siya kung ano ang kahulugan ng mga bagay na aking nasaksihan. Ipinaliwanag naman niya ang mga ito sa akin.  17 Ang sabi niya, "Ang apat na halimaw ay apat na kahariang lilitaw sa daigdig.  18 Ngunit ang mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos ang bibigyan ng karapatang mamahala magpakailanman."                 19 Hinangad kong malaman ang kahulugan ng ikaapat na hal...