Posts

Showing posts with the label 9

Sabado - Nobyembre 19, 2011,Ika-33 na Ordinaryong Linggo

Image
Sabado - Nobyembre 19, 2011      Ika-33 na Ordinaryong Linggo Unang Pagbasa                             1 Macabeo 6: 1-13 Ang Pagkamatay ni Haring Antioco IV                 1 Minsa'y naglalakbay ang Haring Antioco IV sa mga lalawigan sa loob ng bansa. Nabalitaan niya na ang Elymas sa Persia ay kilala dahil sa dami ng pilak at ginto.  2 Ang templo nito ay napakayaman at may mga gintong helmet, kasuotang bakal, at mga sandata. Ang mga ito ay iniwan doon ni Alejandrong anak ni Haring Felipe ng Macedonia, ang kauna-unahang hari sa Grecia.  3 Sa paghahangad ni Antiocong matamo ang mga kayamanang ito, binalak niyang lusubin ang lunsod. Ang balak na ito ay umabot sa kaalaman ng mga tagaroon. Nabigo ang kanyang plano,  4 sapagkat nilabanan siya ng mga tagaroon. Malungkot siyang ...

Miyerkules - Nobyembre 9, 2011,Ika-32 na Ordinaryong Linggo

Image
                                                     (Pagtatalaga sa Basilika ni San Juan de Letran) Unang Pagbasa                               Ezekiel 43: 1-7 Ang Templo'y Muling Napuno ng Kaluwalhatian ni Yahweh                  1 Dinala ako ng lalaki sa tarangkahan sa gawing silangan.   2 Doon, nakita kong dumarating mula sa silangan ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel, parang dagundong ng malaking baha. Nagliwanag ang lupa dahil sa kaluwalhatiang yaon.   3 Ang pangitaing ito ay tulad ng nakita ko nang wasakin ang Jerusalem. Tulad din ito noong nakita ko sa Ilog Kebar. At ako'y dumapa sa lupa.   4 Ang nakakasilaw na liwanag ay nagdaan sa pintuan sa...