Posts

Showing posts with the label Simon

Kapistahan nina Apostol San Simon at San Judas

Image
UNANG PAGBASA Efeso 2, 19-22 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Kayo’y itinayo rin sa saligan ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Kristo Hesus. At sa pamamagitan niya, nagkakaugnay-ugnay ang bawat bahagi ng gusali at nagiging isang templong banal. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo ma’y kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila! Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa! Bawat araw, bawat gabi, ang ulat ay walang patlang, patuloy na nag-uulat sa sunod na gabi’t araw. Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Walang tinig o salitang ginagamit kung sabagay, at wala ring naririnig na kahit na anon...

Lukas 7:36-50

Image
Inanyayahan si Jesus ng isa sa mga Pariseo na makisalo sa kanya pumasok siya sa bahay ng Pariseo at humilig sa sopa para kumain. Ngayon, may isang babae sa bayang iyon na itinuturing na makasalanan. Nang malaman nitong na si Jesus ay nasa hapag sa bahay ng Pariseo, nagdala ito ng pabangong nasa sisidlang alabastro. Tumayo siya sa likuran, sa may paanan ni Jesus at umiyak. Tumulo ang kanyang mga luha sa mga paa ni Jesus at pinunasan niya ng kanyang buhok, at hinagkan at pinahiran ng pabango. Nang makita ito ng Pariseong kumumbida sa kanya, naisip nito: “Kung Propeta ang taong ito, malalaman niya kung sino ang babaeng ito at anong uri ng tao ang humihipo sa kanya—-isa ngang makasalanan!” Ngunit nagsalita sa kanya si Jesus: “Simon, may sasabihin ako sa iyo.” Sumagot ito: “Guro, magsalita ka.” At sinabi niya: “May dalawang may utang sa isang taong nagpapautang. Limandaang salaping pilak ang utang ng isa at limampu naman ang sa isa pa. Ngunit wala silang maibayad, kaya kapwa niya sila ...

Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Luke 4:38-44.

Image
Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Luke 4:38-44. Leaving the synagogue, Jesus went to the house of Simon. His mother-in-law was suffering from high fever and they asked him to do something for her. Bending over her, he rebuked the fever, and it left her. Immediately she got up and waited on them. At sunset, people suffering from many kinds of sickness were brought to Jesus. Laying his hands on each one, he healed them. Demons were driven out, howling as they departed from their victims, “You are the Son of God!” He rebuked them and would not allow them to speak, for they knew he was the Messiah. Jesus left at daybreak and looked for a solitary place. People went out in search of him and, finding him, they tried to dissuade him from leaving. But he said, “I have to go to other towns to announce the good news of the kingdom of God. That is what I was sent to do.” So Jesus continued to preach in the synagogues of Judea.

Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Luke 5:1-11.

Image
Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Luke 5:1-11. One day, as Jesus stood by the Lake of Gennesaret, with a crowd gathered around him listening to the word of God, he caught sight of two boats left at the water’s edge by the fishermen now washing their nets. He got into one of the boats, the one belonging to Simon, and asked him to pull out a little from the shore. There he sat and continued to teach the crowd. When he had finished speaking he said to Simon, “Put out into deep water and lower your nets for a catch.” Simon replied, “Master, we worked hard all night and caught nothing. But if you say so, I will lower the nets.” This they did and caught such a large number of fish that their nets began to break. They signaled their partners in the other boat to come and help them. They came and filled both boats almost to the point of sinking. Upon seeing this, Simon Peter fell at Jesus’ knees, saying, “Leave me, Lord, for I am a sinful man!” For he and his companions wer...

Lukas 6:12-19

Image
Umakyat si Jesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. Nang umaga na, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa sa kanila na tinawag niyang apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito; si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinaguriang Zelota, si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging tagapagkanulo. Pagkababa kasama nila, tumigil si Jesus sa isang patag na lugar. Naroon ang maraming alagad niya, at napakarami ring tao mula sa buong Judea at Jerusalem at mula sa baybaying dako ng Tiro at Sidon ang dumating para makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Gumaling din ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. Kaya’t sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya dahil may kapangyarihang lumalabas sa kanya, na nagpapagaling sa lahat.

Lukas 5:1-11

Image
Dinagsa si Jesus ng napakaraming taong nakikinig sa Salita ng Diyos at nakatayo naman siya sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Nakita niya noon ang dalawang bangka sa baybay. Kabababa pa lamang ng mga mangingisda mula sa mga ito para hugasan ang mga lambat. Kaya sumakay siya sa isa rito na pag-aari ni Simon at hiniling dito na lumayo ng kaunti mula sa dalampasigan. Umupo siya mula sa bangka’y sinimulang turuan ang maraming tao. Matapos siyang magsalita, sinabi niya kay Simon: “Pumalaot ka at ihulog n’yo ang inyong mga lambat para humuli.” Ngunit sumagot si Simon: “Guro, buong magdamag kaming nagpagod at wala kaming nakuha pero dahil sinabi mo ihulog ko ang lambat.” At nang gawin nila ito, nakahuli sila ng napakaraming isda kaya halos magkandasira ang kanilang mga lambat. Kaya kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa kabilang bangka para lumapit at tulungan sila. Dumating nga ang mga ito at pinuno nila ang dalawang bangka hanggang halos lumubog ang mga iyon. Nang makita ito ni s...

Lukas 4:38-44

Image
Pag-alis ni Jesus sa sinagoga, nagpunta siya sa bahay ni Simon. Inaapoy ang lagnat ang biyenang babae ni Simon. Kayat pinakiusapan nila siya tungkol sa kanya. Pagkayuko ni Jesus sa kanya, inutusan niya ang lagnat at nilisan siya nito. Kaagad siyang tumindig para maglingkod sa kanila. Paglubog ng araw, dinala naman sa kanya ng lahat ng tao ang kasama nilang mga may sakit ng iba’t ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. Lumabas ang mga demonyo mula sa maraming tao at pasigaw na sinabi ng mga ito: “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit pinatatahimik niya sila at di pinahihintulutang magsalita dahil alam ng mga ito na siya ang Mesiyas. Nang mag-uumaga na, lumabas si Jesus at pumunta sa isang ilang na lugar. Ngunit pinaghahanap siya ng maraming tao, at nang matagpuan siya’y sinikap nilang hadlangan na makaalis pa siya sa kanila. Pero sinabi niya sa kanila: “Dapat ko ring ipahayag ang Mabuting Balita ng paghahari ng Diyos sa iba pang mga...

Linggo - Enero 22, 2012, Ika-2 Linggo ng Taon (Vicente)

Image
Linggo - Enero 22, 2012, Ika-2 Linggo ng Taon (Vicente) Unang Pagbasa Jonas 3:1-10 Si Jonas sa Nineve 1 Muling sinabi ni Yahweh kay Jonas, 2 "Pumunta ka sa Lunsod ng Nineve at ipahayag mo ang mga ipinapasabi ko sa iyo." 3 Nagpunta nga si Jonas sa Nineve. Malaki ang lunsod na ito; aabutin ng tatlong araw kung ito ay lalakarin. 4 Siya'y pumasok sa lunsod. Pagkaraan ng maghapong paglalakad, malakas niyang ipinahayag, "Gugunawin ang Nineve pagkaraan ng apatnapung araw!" 5 Naniwala ang mga tagaroon sa pahayag na ito mula sa Diyos. Kaya, nag-ayuno silang lahat at nagdamit ng panluksa bilang tanda ng lubos na pagsisisi at pagtalikod sa kanilang mga kasalanan. 6 Nang mabalitaan ito ng hari ng Nineve, bumaba siya sa kanyang trono, naghubad ng balabal, nagdamit ng panluksa at naupo sa abo. 7 At ipinasabi niya sa mga taga- Nineve, "Ito'y utos ng hari at ng kanyang mga pinuno. Walang dapat kumain ng anuman. Wala ring iinom, ma...