Posts

Showing posts with the label abiatar

Martes - Enero 17, 2012 Ika-2 Linggo ng Taon (Antonio Abad)

Image
Martes - Enero 17, 2012 Ika-2 Linggo ng Taon (Antonio Abad) Unang Pagbasa 1 Samuel 16:1-13 Pinapunta kay Jesse si Samuel 1 Sinabi ni Yahweh kay Samuel, "Hanggang kailan ka malulungkot para kay Saul? Itinakwil ko na siya bilang hari ng Israel. Ngayo'y magdala ka ng langis at pumunta ka kay Jesse na taga-Bethlehem sapagkat pinili ko upang maging hari ang isa sa kanyang mga anak." 2 Sumagot si Samuel, "Paano ako pupunta roon? Tiyak na papatayin ako ni Saul kapag nalaman niya ang dahilan ng pagpunta ko roon." Sinabi ni Yahweh, "Magdala ka ng isang dumalagang baka at sabihin mong maghahandog ka kay Yahweh. 3 Anyayahan mo si Jesse sa paghahandog at ituturo ko sa iyo kung ano ang gagawin mo at kung sino ang papahiran mo ng langis." 4 Sinunod ni Samuel ang utos sa kanya ni Yahweh; nagpunta nga siya sa Bethlehem. Siya'y sinalubong ng matatandang pinuno sa lunsod at nanginginig na nagtanong, "Sa ikabubuti ba nam...