Posts

Showing posts with the label abo

Jonas 3, 1-10

Image
Aklat ni propeta Jonas 3, 1-10 Sinabi uli ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta ka sa Lungsod ng Ninive at ipahayag mo ang mga ipinasasabi ko sa iyo.” Nagpunta nga si Jonas sa Ninive. Malaki ang lungsod na ito. aabutin ng tatlong araw kung lalakaring pabagtas. Siya’y pumasok sa lungsod. Pagkaraan ng maghapong paglalakad, malakas niyang ipinahayag, “Gugunawin ang Ninive pagkaraan ng apatnapung araw!” Naniwala ang mga tagaroon sa pahayag na ito mula sa Diyos. Kaya, nag-ayuno sila at nagdamit ng sako bilang tanda ng lubos na pagsisisi at pagtalikod sa kanilang mga kasalanan. Nang mabalitaan ito ng hari ng Ninive, bumaba siya sa kanyang trono, naghubad ng balabal, nagdamit din ng sako, at naupo sa abo. At ipinasabi niya sa mga taga-Ninive: “Ito’y utos ng hari at ng kanyang mga pinuno. Walang kakain isa man. Wala ring iinom, maging tao o hayop. Lahat ng tao at hayop ay magdamit ng sako. Taimtim na manalangin sa Diyos ang bawat isa. Pagsisihan ng lahat ang nagawa nilang kasalanan a...

Ang Pagsusunog ng Palaspas sa Martes bago ang Miyerkules ng Abo

Image
Paunang Salita 1. Ang Ritual ay hindi pamalit sa pagbabasbas ng mga Abo sa Miyerkules ng Abo. Ito ay rito upang ihanda ang mga tap sa pagpasok sa panahon ng kuwaresma 2. Ang Pagsusunog ay gagawin sa labas ng simbahan kung saan man may inihandang lalagyan ng mga palaspas at lalagyan sunugan. 3. Maaring gawin ang rituwal bago simulan ang misa o ang panalanging pantakip-silim. kung ito ay gaganapin sa loob ng misa, papalitan nito ang penitential rite. 4. Kapag inilagay ito sa loob ng misa. Sisimulan ang tanda ng Krus at pagbati sa harapan ng simbahan tulad ng ginagawa sa ritwal ng pagbabasbas ng kandila sa ikalawa ng Pebrero 5. Kung ang pagdiriwang ay wala sa loob ng Misa, gagamitin ang kulay na itinakda sa araw na iyon. PALASPAS TUNGO SA ABO Pambungad na awit Sa ngalan ng Ama at ng Anak + at ng Espiritu Santo R. Amen Panginoon Ikaw ay among kanlungan sa bawat salinlahi. Ipabatid mo sa amin kung gaano kaiksi ang buhay upang matamo namin ang karunungan ng Puso. Luwalhat...