Posts

Showing posts with the label anim

Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Job 42, 1-3. 5-6. 12-16 Pagbasa mula sa aklat ni Job Ang sagot ni Job sa Panginoon: “Alam kong magagawa mo ang lahat ng bagay, anumang balakin mo’y walang makahahadlang. ‘Sinong nagsasalita nang walang nalalaman?’ Kaya ako ay humatol nang walang katuturan, na hindi ko alam ang lahat ng mga bagay. Nakilala kita sa balita lamang, ngunit ngayo’y akin nang namasdan. Kaya ako’y nagsisisi nang buong taimtim. At ang sarili ko’y aking itinatakwil.” Ang mga huling araw ni Job ay higit na pinagpala ng Panginoon. Binigyan niya ito ng labing apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, dalawanlibong baka at sanlibong inahing asno. Nagkaanak pa si Job ng pitong lalaki at tatlong babae, na ang mga pangala’y Jemima, Kesia, Keren-hapuc. Sa buong lupain ay wala silang katulad sa ganda. Pinamanahan din niya sila, tulad ng mga anak na lalaki. Si Job ay nabuhay pa nang sandaa’t apatnapung taon. Nakabuhayan pa niya ang kanyang mga apo sa ikapat na salinlahi bago siya namatay. Ang Salita n...

Biyernes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita sa mga Anghel na Tagatanod UNANG PAGBASA Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sa gitna ng nag-aalimpuyong bagyo, ganito ang sinabi ng Diyos kay Job: “Job, nakalikha ka ba kahit isang bukang liwayway? Ang daigdig ba ay iyong naigawa ng tanglaw, upang ang masasama’y mabulabog sa taguan? Dahil sa sikat ng araw ay nagliwanag ang lahat, parang damit na inayos, ngayon ay nakahayag. Sa liwanag ng araw natatakot ang masama, pagkat ang karahasa’y hindi nila magagawa.” “Napunta ka na ba sa pinagmumulan ng bukal? Nakalakad ka na ba sa pusod ng karagatan? May nakapagturo na ba sa iyo sa pintuan na ang hantungan ay madilim na hukay? Nalalaman mo ba ang sukat nitong mundo? Kung may nalalaman ka, lahat ay sabihin mo. “Alam mo ba kung saan nanggagaling ang liwanag, o ang kadiliman, kung saan nagbubuhat? Masasabi mo ba kung saan sila dapat humangga, o sa pinanggalingan kaya’y mapababalik mo sila? Ikaw ay matanda na baka nga iyong kaya, pagkat likhain ang daigdig, ikaw ay...

Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan UNANG PAGBASA Job 9, 1-12. 14-16 Pagbasa mula sa aklat ni Job Ang sagot ni Job sa kanyang mga kaibigan: “Iyan ay dinig ko na noon pa mang una, ngunit sinong tao kaya ang tatalo sa kanya? Sino ang sa kanya’y maaaring mangatwiran? Sa sanlibo niyang tanong, di masagot ang isa man. Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan, sino kaya ang sa kanya ay makalalaban? Walang sabi-sabing inuuga yaong bundok, sa tindi ng kanyang galit, ito’y kanyang dinudurog. Itong sangkalupaan ay kanyang nayayanig. At nauuga niya ang saligan ng daigdig. Napipigil sa pagsikat ang silahis nitong araw, At kanyang naitatago ang tala sa kalangitan. Siya lamang ang lumikha sa sangkalangitan, at sa bangis nitong dagat, walang ibang makasaway. Ang “Malaking Diper” at “Orion” ay siya lamang ang may lalang, pati na ang Pleyades at mga kumpol na bituin sa timugan. Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan, ang milagrong gawa niya sa dami ay di mabilang. Siya’y ...

Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 25-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Marahil ay sasabihin ninyong hindi tama itong ginagawa ko. Makinig kayo, mga Israelita: Matuwid ang aking tuntunin, ang pamantayan ninyo ang baluktot. Kapag ang isang taong matuwid ay nagpakasama, mamamatay siya dahil sa kasamaang ginawa niya. At ang masamang nagpakabuti at gumawa ng mga bagay na matuwid ay mabubuhay. Dahil sa pagtalikod sa nagawa niyang kasamaan noong una, mabubuhay siya, hindi mamamatay.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 24, 4kb-5. 6-7. 8-9 Poon, iyong gunitain wagas mong pag-ibig sa ‘kin. Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos, ituro mo sana sa aba mong lingkod; ayon sa matuwid, ako ay turuan, ituro mo, Poon, ang katotohanan; Tagapagligtas ko na inaasahan. Poon, iyong gunitain wagas mong pag-ibig sa ‘kin. Poon, gunitain, pag-ibig mong wagas, at ang kabutihang noon pa’y nahayag. Patawarin ako sa pagkakasala, sa kamalian ko nang ako’y bata pa; pagkat pag-ib...

Mateo 13:16-17

Image
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Mapapalad ang inyong mga mata na nakakakita at ang inyong mga tainga na nakakarinig. “Sinasabi ko nga sa inyo na maraming propeta at mabubuting tao ang may gustong Makita ang nakikita ninyo ngayon pero hindi nila nakita, at marinig ang inyong naririnig pero hindi nila narinig.