Posts

Showing posts with the label awa

Salmo 144, 8-9. 13kd-14. 17-18

Image
Salmo 144, 8-9. 13kd-14. 17-18 Tugon: Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag, banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas. Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, ang pagtingi niya ay mamamalagi. Tugon: Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Di ka bibiguin sa mga pangako pagkat ang Diyos ay tapat, ang kanyang ginawa kahit na ano ito ay mabuting lahat. Siya’y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin; yaong inaapi’y inaalis niya sa pagkagupiling. Tugon: Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa. Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo. Tugon: Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag.

Awit 51:3-4, 5-6, 12-13, 17

Image
Poón, iyóng kaawaán kamíng sa ‘yó’y nagsisuwáy! Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,  sang-ayon sa iyong kagandahang- loob.  Mga kasalanan ko’y iyong pawiin, ayon din sa iyong pagibig sa akin!  Linisin mo sana ang aking karumhan at ipatawad mo yaring kasalanan!  Ang pagsalansang ko ay kinikilala,  laging nasa isip ko at alaala.  Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,  at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan.  Isang pusong tapat sa aki’y likhain;  bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.  Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;  ang Espiritu mo ang papaghariin.  Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas,  ibalik at ako ay gawin mong tapat.  Turuan mo akong makapagsalita,  at pupurihin ka sa gitna ng madla.

Mateo 9:9-13

Image
9  Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo si Mateo at sinundan siya. 10  At habang nasa hapag si Jesus sa bahay ni Mateo, maraming taga­singil ng buwis at iba pang makasa­la­nan ang lumapit at nakisalo kay Jesus at sa kanyang mga alagad. 11  Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad: “Bakit kumakaing kasama ng mga makasa­lanan at maniningil ng buwis ang inyong guro?” 12  Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: “Hindi ang malulusog ang nanga­ngailangan ng doktor kundi ang mga maysakit! 13  Sige, matutuhan sana ninyo ang kahulugan ng ‘Awa ang gusto ko, hindi handog.’  Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga ma­kasalanan.” 

Mateo 9:9-13

Image
Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo si Mateo at sumunod sa kanya. At habang nasa hapag si Jesus sa bahay ni Mateo, maraming tagasingil ng buwis at iba pang makasalanan ang lumapit at nakisalo kay Jesus at sa kanyang mga alagad. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad: “Bakit kumakaing kasalo ng mga makasalanan at maniningil ng buwis ang inyong guro?” Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga maysakit! Sige, matutuhan sana n’yo ang kahulugan ng ‘Awa ang gusto ko, hindi handog.’ Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan.”

Pagbebendisyon ng Mabathalang Awa

Image
Ang kristong nagbabasbas ay nakita ko sa isa sa mga site sa internet at sinubukam ko ring ilagay sa blog na ito. Sa pamamagitan ng ilang pagsubok at ilang minuto ng panalangin ay pwede rin palang magawa. Kinakailangan ding maging pamiliar ka sa mga uri ng larawan at extensions na guinagamit dito sa internet. maraming salamat Fr. Luigi Coronel. ShareThis Blogs commenting Fr. Jessie's post