Posts

Showing posts with the label bautista

Markos :6:17-29

Image
Si Herodes ang nagpahuli kay Juan, at ipinakadena ito sa kulungan dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe. Pinakasalan ni Herodes si Herodias at sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi mo puwedeng kasamahin ang asawa ng iyong kapatid. Talaga ngang matindi ang galit ni Herodias kay Juan at gusto niya itong patayin pero hindi niya magawa. Iginagalang nga ni Herodes si Juan dahil itinuturing niya itong mabuti at banal na tao kaya pinanatili niya itong buhay. Nalilito siya matapos making kay Juan, gayunma’y gusto pa rin niyang marinig ito. At nagkaroon ng pagkakataon sa kaarawan ni Herodes nang maghanda siya sa kanyang mga opisyal, mga pinuno ng hukbo at mahalagang tao ng Galilea. Pagpasok ng anak ni Herodias, nagsayaw ito at nasiyahan naman sa kanya si Herodes at lahat ng nasa handaan. Sinabi ng hari sa dalagita: “Ibibigay ko sa iyo ang anumang hingin mo.” At sinumpaan pa niya ang pangakong ito: “Ibibigay ko sa iyo ang anumang hingin mo kahit na ang kalahati ng aking kah...

Sacerdotal Anniversary

Image
Noong Junio 18, 2012 ay ipinagdiwang ni Reberendo Padre Rene B. Eriga, ang kura paroko ng San Juan Bautista ng Calamba, Laguna, Philippines sa Our Lady of Mount Carmel Monastery ng San Pablo City ang kanyang ika 25 taong pagkapari. Kaakibat rin dito ang buwanang rekoleksyon o isang espiritwal na pagsasanay ng mga kaparian ng Diyosesis ng San Pablo sa pangunguna ng Kagalang galang na Obispo Leo M. Drona