Posts

Showing posts with the label biyanan

Lukas 4:38-44

Image
Pag-alis ni Jesus sa sinagoga, nagpunta siya sa bahay ni Simon. Inaapoy ang lagnat ang biyenang babae ni Simon. Kayat pinakiusapan nila siya tungkol sa kanya. Pagkayuko ni Jesus sa kanya, inutusan niya ang lagnat at nilisan siya nito. Kaagad siyang tumindig para maglingkod sa kanila. Paglubog ng araw, dinala naman sa kanya ng lahat ng tao ang kasama nilang mga may sakit ng iba’t ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. Lumabas ang mga demonyo mula sa maraming tao at pasigaw na sinabi ng mga ito: “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit pinatatahimik niya sila at di pinahihintulutang magsalita dahil alam ng mga ito na siya ang Mesiyas. Nang mag-uumaga na, lumabas si Jesus at pumunta sa isang ilang na lugar. Ngunit pinaghahanap siya ng maraming tao, at nang matagpuan siya’y sinikap nilang hadlangan na makaalis pa siya sa kanila. Pero sinabi niya sa kanila: “Dapat ko ring ipahayag ang Mabuting Balita ng paghahari ng Diyos sa iba pang mga...

Miyerkules - Enero 11, 2012, Unang Linggo ng Taon

Image
Miyerkules - Enero 11, 2012 Unang Linggo ng Taon Unang Pagbasa 1 Samuel 3:1-20 Ang Pangitain ni Samuel 1 Sa pamamahala ni Eli, si Samuel ay patuloy na naglingkod kay Yahweh. Nang panahong iyon, bihira nang magpahayag si Yahweh at bihira na rin ang mga pangitaing galing sa kanya. 2 Malabo na noon ang mata ni Eli. Minsan, natutulog siya sa kanyang silid. 3 Si Samuel ay natutulog naman sa santuwaryo, kung saan naroroon din ang Kaban ng Tipan. Bago magmadaling-araw at may sindi pa ang ilawan sa santuwaryo, 4 siya'y tinawag ni Yahweh, "Samuel, Samuel!" "Narito po ako," sagot niya. 5 Patakbo siyang lumapit kay Eli at sinabi, "Bakit po?" Sinabi ni Eli, "Hindi kita tinatawag. Matulog ka na uli." Nagbalik nga siya sa kanyang higaan. 6 Subalit tinawag siyang muli ni Yahweh, "Samuel!" Bumangon siya, lumapit muli kay Eli at nagtanong, "Tinatawag po ba ninyo ako?" Sinabi ni Eli, "Hindi ki...