Posts

Showing posts with the label bukid

Mateo 21, 33-43. 45-46

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Mateo 21, 33-43. 45-46 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan: “Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at ito’y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang parte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayun din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha’y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, sila’y nagusap-usap: ‘Ito ang tagapagma...

Genesis 4

Image
Cain at Abel 4    •  1  Nakipagtalik ang Tao sa kanyang asawang si Eva; naglihi si Eva at ipina­nganak niya si Cain – sapagkat si­nabi niyang “ Nagkamit  ako ng isang lala­ki sa tulong ni Yawe.” 2  Pagkatapos, isinilang niya si Abel na kapatid ni Cain. Isang pastol ng mga tupa si Abel, at magsasaka naman si Cain. 3  Pagkaraan ng ilang panahon, nag­handog si Cain kay Yawe ng mga ani ng lupa.  4  At naghandog din si Abel: inialay niya ang mga unang anak ng kanyang kawan at sinunog ang mga taba niyon. Nasiyahan si Yawe kay Abel at sa handog nito,  5  pero hindi siya nasi­yahan kay Cain at sa handog nito. Ikinagalit na lubha ito ni Cain at siya’y nalungkot.  6  At sinabi ni Yawe kay Cain: “Bakit ka galit at malungkot?  7  Kung gagawa ka ng mabuti, ika’y mama­butihin. Ngunit kung hindi ka gagawa ng mabuti, nag-aabang sa pin­tuan ang kasalanan. Han­da siyang sugu­rin ka, ngunit ikaw ang dapat maka...

Oratio Imperata (Ulan, Tagalog Version)

Image
I am posting this prayer " Oratio Imperata " for rain as the Filipino nation is on water crisis due to El Nino phenomenon that has greatly affected the produce of farmers. Ama naming mapagmahal na lumikha ng sangkalupaan at sanlibutan at ng mga kahanga-hangang kalikasan na dinadaluyan ng buhay ng iyong mga nilikha. Mapagkumbaba kaming sumasamong ipagkaloob mo ang biyaya ng ulan na siyang matinding pangangailangan ng aming bansa ngayon upang tubigan ang aming mga bukid at mga nanunuyong lupa, mapigil ang mapipintong krisis sa kuryente at patirin ang aming mga uhaw. Sa hudyat ng salita mo’y sumusunod ang hangin at dagat, iunat mo ang iyong mapagpalang kamay upang mapasimulan na ang naudlot na pangkaraniwang panahon ng tag-ulan at upang maiwasan ang napipintong krisis. Diyos naming maawaain at mapagbigay, imulat mo ang aming mga mata sa kayamanan at kagandahan ng iyong mga nilikha at hubugin mo kaming maging mapagmalasakit para sa kalikasan. Turuan mo kaming maging magpagkakati...