Posts

Showing posts with the label cain

Genesis 4

Image
Cain at Abel 4    •  1  Nakipagtalik ang Tao sa kanyang asawang si Eva; naglihi si Eva at ipina­nganak niya si Cain – sapagkat si­nabi niyang “ Nagkamit  ako ng isang lala­ki sa tulong ni Yawe.” 2  Pagkatapos, isinilang niya si Abel na kapatid ni Cain. Isang pastol ng mga tupa si Abel, at magsasaka naman si Cain. 3  Pagkaraan ng ilang panahon, nag­handog si Cain kay Yawe ng mga ani ng lupa.  4  At naghandog din si Abel: inialay niya ang mga unang anak ng kanyang kawan at sinunog ang mga taba niyon. Nasiyahan si Yawe kay Abel at sa handog nito,  5  pero hindi siya nasi­yahan kay Cain at sa handog nito. Ikinagalit na lubha ito ni Cain at siya’y nalungkot.  6  At sinabi ni Yawe kay Cain: “Bakit ka galit at malungkot?  7  Kung gagawa ka ng mabuti, ika’y mama­butihin. Ngunit kung hindi ka gagawa ng mabuti, nag-aabang sa pin­tuan ang kasalanan. Han­da siyang sugu­rin ka, ngunit ikaw ang dapat maka...