Posts

Showing posts with the label daan

Mateo 20, 17-18

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Mateo 20, 17-18 Noong panahong iyon, nang nasa daan na si Hesus patungong Jerusalem, ibinukod niya ang Labindalawa. Sinabi niya sa kanila, “Aakyat tayo sa Jerusalem. Doo’y ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba ang Anak ng Tao. Hahatulan siya ng kamatayan, at ibibigay sa mga Hentil. Siya’y tutuyaon, hahagupitin at ipapako sa krus; ngunit muli siyang bubuhayin sa ikatlong araw.” Lumapit kay Hesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hilingin, kaya’t lumuhod siya sa harapan ni Hesus. “Ano ang ibig mo?” tanong ni Hesus. Sumagot siya, “Sana’y ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak na ito ang karapatan na makaupong katabi ninyo sa inyong kaharian – isa sa kanan at isa sa kaliwa.” “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,” sabi ni Hesus sa kanila. “Makakainom ba kayo sa kopa ng hirap ko?” “Opo”, tugon nila. Sinabi ni Hesus “Ang kopa ng hirap ko ay maiinom nga ninyo. Ngunit wala sa akin ang pag...

Panalangin Laban sa Parusang Kamatayan

Image
Namumuno: Ama, pinagmumulan at tagapagbigay ng buhay, itinataas namin ang aming mga puso at mga hinaing sa Inyo. Tulungan N’yo kami upang bumuo ng isang lipunan na tunay na nagpapahalaga sa buhay sa lahat ng pagkakataon. Ang ating itutugon: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa mga nakararanas ng sákit at hapis dahil sa karahasan at krimen, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa mga nagsasagawa at mga biktima ng karahasan na kapuwa nakikipagtunggali sa galit at poot na kanilang nararanasan, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa basag-basag naming sangkatauhan na iginagapos ng hangaring maghiganti, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa aming sugatang lipunan na inililigaw ng ilusyong dapat kumitil ng buhay upang ipagtanggol ito. Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang aming nagdaramdam na kalooban. Na...

Hosea 14: 2-10

Image
•   2  Magbalik ka, Israel, kay Yaweng iyong Diyos! Nadapa ka sa iyong mga pagkakasala. 3  Maghanda ka ng sasabihin at humarap kay Yawe, at sabihin mong: “Ikaw na nahahabag sa ulila, patawarin mo ang aming mga kasalanan at tanggapin sa iyong kagandahang-loob. Sa halip ng mga toro at mga handog, tanggapin ang papuri mula sa aming mga labi. 4  Hindi kami maililigtas ng Asiria; hindi na kami aasa pa sa mga kabayo, ni muling magsasabing ‘Mga diyos namin’ sa gawa ng aming mga kamay.” 5   Lulunasan ko ang kanilang pagkaligaw at buong puso silang mamahalin pagkat napawi na ang galit ko sa kanila. 6  Magiging para akong hamog sa Israel; mamumulaklak siyang parang liryo. Parang sedro ng Lebanon, mag-uugat siya nang malalim. 7   Uusbong ang kanyang mga supling. Ang ganda niya’y magiging parang sa punong olibo, ang bango’y parang sa sedro ng Lebanon. 8  Muling mananahan ang mga tao sa kanyang lilim. Man...

San nagsimula ang Daan ng Krus?

Image

Mga Awit Sa Daan Ng Krus

Image
Awit sa Unang Estasyon ng Krus Awit sa Ikalawang Estasyon ng Krus Awit sa Ikatlong Estasyon ng Krus Awit sa Ikaapat na Estasyon ng Krus Awit sa Ikalimang Estasyon ng Krus Awit sa Ikaanim na Estasyon ng Krus Awit sa Ikapitong Estasyon ng Krus Awit sa Ikawalong Estasyon ng Krus Awit sa Ikasiyam na Estasyon ng Krus Awit sa Ikasampu na Estasyon Awit sa Ikalabingisang Estasyon Awit sa Ikalabingdalawang Estasyon Awit sa Ikalabingtatlong Estasyon Awit sa Ikalabingapat na Estasyon