Posts

Showing posts with the label dalawa

Lukas 18:9-14

Image
Sinabi ni Jesus ang talinhagang ito sa ilang taong kumbinsido na mabuti sila at minamata naman ang iba: “Dalawang tao ang umakyat sa Templo para manalangin: Pariseo ang isa at publikano naman ang isa pa. Nakatayong nananalanging mag-isa ang Pariseo. Sinabi niya: ‘O Diyos, salamat at hindi ako gaya ng ibang mga tao-mga magnanakaw, mandaraya, nakikiapid, o gaya ng kolektor ng buwis na iyan. Dalawang beses akong nag-aayuno isang linggo, nagbibigay ako ng ikapu sa lahat kong ari-arian.’ Nasa likuran naman ang kolektor ng buwis at hindi man lang makatingala sa Langit. Dinadagukan niya ang dibdib sa pagsasabing “O Diyos, kaawan mo ako na isang makasalanan.’ “Sinasabi ko sa inyo na ito ang umuwing nasa grasya ng Diyos ngunit hindi ang isa. Sapagkat ibababa ang lahat ng nagpapakataas at itataas naman ang nagpapakababa.” Source: Radio Veritas

Lukas 10:17-24

Image
Tuwang-tuwang nagbalik ang pitumpu’t dalawa at ang sabi: ” Panginoon, mga demonyo ma’y sumuko sa amin dahil sa iyong pangalan.” Sinabi naman ni Jesus: “Nakita kong bumagsak na parang kidlat si satanas mula sa langit. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihang yumapak sa mga ahas at alakdan. Masusupil n’yo ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang anumang makapipinsala sa inyo. Ngunit magalak kayo hindi dahil sa pagsuko sa inyo ng mga espiritu kundi sapagkat nasusulat sa langit ng inyong mga pangalan.”Nang sandaling iyo’y nag-umapaw sa galak sa Espiritu Santo si Jesus at sinabi niya: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurrunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama naging nakalugud- lugod ito sa inyo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakilala kung sino ang Anak kundi ang Ama, at kung sino ang Ama kundi ng Anak at ang sinuman gustuhing pagbunyagan ng Anak.” Pagkatapos ay bumaling s...