Posts

Showing posts with the label dalawamgpung

Miyerkules ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita kay San Pio ng Pietrelcina, Pari UNANG PAGBASA Kawikaan 30, 5-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Kawikaan “Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya. Huwag mong daragdagan ang kanyang salita pagkat pagsasabihan ka niya na isang sinungaling.” “Diyos ko, may hihilingin akong dalawang bagay bago ako mamatay: Huwag akong bayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako’y matuto akong magnakaw at sa gayo’y malapastangan kita.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 118. 29. 72. 89. 101. 104. 163 Salita mo’y aking tanglaw, patnubay ko araw-araw. Sa landas na di matuwid, huwag mo akong babayaan, pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral. Salita mo’y aking tanglaw, patnubay ko araw-araw. Higit pa sa ginto’t pilak nitong buong sanlibutan, ang mabuting idudulot ng bigay mon...