Posts

Showing posts with the label doorpost

In Your Head abd Doorpost

Image
Mateo 22,34-40 — The Greatest Commandment , 30th Sunday Year A Mateo 22,34-40 - "Buo o Hindi Talaga" May exam ulit si Jesus. Nung nakaraang Linggo — Mateo 22,15-21 — pinagtulungan siya ng Pariseo at Herodiano: "Magbayad ba ng buwis kay Cesar?" Trap ng pulitika. Ngayon naman, isang nomikos — hindi lang basta Pariseo, kundi abogado ng Torah. Expert sa 613 na utos — 248 na dapat gawin, 365 na bawal. Ang tanong ng mga rabbi noon, hindi "ano ang dapat gawin" kundi "alin ang pinakamabigat?" Kaya tanong niya: "Guro, alin ang pinakadakilang utos sa Kautusan?" Hindi siya naghahanap ng sagot. Naghahanap siya ng butas. Kasi kung sasabihin ni Jesus na Sabbath lang ang mahalaga, kalaban niya ang mga pro-Temple. Kung sasabihin niyang paglilinis lang, kalaban niya ang mga moralist. Anong ginawa ni Jesus? Hindi siya pumili ng isa sa 613. Bumalik siya sa dasal na alam ng bawat batang Judio paggising sa umaga at bago matulog. Ang SHEMA. "Ibigin...