Posts

Showing posts with the label dunfermline

Santa Margaret ng Eskosya

Image
Santa Margaret ay isinilang bilang isang prinsesang Ingles noong 1045. Si Margaret ay anak nina prinsesang Agatha ng Unggarya at Prinsipeng Anglo-Sahon na Edward Atheling. Inukol niya ang kanyang kabataan sa korte ng kanyang dakilang tiyo, ang hari ng England, Edward na Kompesor. Ang kanyang pamilya ay tumakas sa Normandong William na manlulupig. Habang sila tumatakas ang kanilang barko ay nawasak sadalampasigan ng Eskosa. Kinaibigan sila ng hari ng Eskosa na si Malcolm at nabighani sa kagandahan at magiliw na Margaret. Sila ay ikinasal sa kastillo ng Dunfermline noong 1070. Si Malcolm ay may mabuting kalooban kaya lamang ay magaspang ang ugali at hindi sibilisado.Sa Pagmamahal ni Malcolm kay Margaret natuto itong maging mahinahon, napino ang kanyang kilos at natulungan siyang maging mabuting hari. Iniwanan niya ang pamamahala kay Margaret ang gawaing pantahanan at palaging sumasanguni siya sa mga nauukol sa bagay ng Estado. Margaret ay kumilos upang napaunlad ang kanyang ampon na ...