Posts

Showing posts with the label espiritu

1 Samuel 16, 1b. 6-7. 10-13a.

Image
1 Samuel 16, 1b. 6-7. 10-13a. Unang aklat ni Samuel 16, 1b. 6-7. 10-13a. Noong mga araw na iyon, Sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Magdala ka ng langis at pumunta ka kay Jesse na taga-Betlehem sapagkat pinili ko nang maging hari ang isa sa kanyang mga anak.” Nang magkaharap-harap na sila, nakita ni Samuel si Eliab, pinagmasdan niya itong mabuti at sinabi sa sarili, “Ito siguro ang hinirang ng Panginoon para maging hari.” Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, “Huwag mong tingnan ang kanyang taas at kakisigan. Hindi siya ang hinirang ko. Ang batayan ko ay di tulad ng batayan ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit puso ang tinitingnan ko.” Isa-isang tinawag ni Jesse ang pito niyang anak ngunit walang pinili sa kanila ang Panginoon. Kaya’t tinanong ni Samuel si Jesse, “Wala ka na bang anak kundi iyan?” “Mayroon pang isa; ‘yong pinakabata, at pastol ng aking mga tupa,” sagot ni Jesse. Sinabi ni Samuel, “Ipasundo mo. Hindi natin sisimulan ang paghahandog hang...

Roma 8, 8-11

Image
Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma 8, 8-11 Mga kapatid: Ang mga nabubuhay ayon sa laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos. Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu, kung talagang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung ang Espiritu ni Kristo’y wala sa isang tao, hindi siya kay Kristo. Ngunit kung nasa inyo si Kristo, bagamat patay na ang inyong mga katawan dahil sa kasalanan, buhay naman ang inyong espiritu dahil sa pinawalang-sala na kayo. Kung nananahan a inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang mulang bumuay kay Hesukristo, ang Diyos ding iyan ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.

Mateo 1, 16. 18-21. 24a

Image
Mateo 1, 16. 18-21. 24a Si Jacob, ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo. Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose na nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa isang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon.

Mateo 10: 16-23

Image
•   16  Isinusugo ko kayo ngayon na pa­rang mga tupa sa gitna ng mga asong- gubat. Maging matalino nawa kayo gaya ng mga ahas at walang-malay na parang mga kalapati. 17  Mag-ingat sa mga tao; ibibigay nga nila kayo sa mga sang­gu­nian at hahagu­pitin kayo sa kanilang mga sinagoga. 18  Dadalhin din nila kayo sa mga pinuno at mga hari dahil sa akin, at dapat kayong mag­bigay-­patotoo sa ka­nila at sa mga pagano. •   19  Pag nilitis naman kayo, huwag mag-alala sa inyong sasabihin; sa oras na iyo’y ibibigay nga sa inyo ang inyong sasabihin. 20  Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espi­ritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo. 21  Ipapapatay ng kapatid ang sari­ling kapatid, ng ama ang kanyang anak; at isasakdal ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay sila. 22  Ka­mu­muhian kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit ang mananatiling matatag hanggang wakas ang siyang mali­ligtas. •   23  Pag inusig...

Lukas 11:5-13

Image
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad: “Ipalagay nating may mga kaibigan ang isa sa inyo at pinuntahan mo siya sa hatinggabi at sinabi: “Kaibigan, pahiram nga ng tatlong pirasong tinapay dahil kararating lang mula sa biyahe ng isa kong kaibigan at wala akong maihain sa kanya. At sasagutin ka siguro na nasa loob: “Huwag mo na akong gambalain. Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng mga bata; hindi na ako maaaring tumayo para bigyan ka.’ Sinasabi ko sa inyo, kung hindi man siya bumangon para magbigay dahil sa pakikipagkaibigan, babangon pa rin siya at ibibgay sa iyo ang lahat mong kailangan dahil sa pagpupumilit sa kanya. “Kaya sinasabi ko sa inyo: humingi at kayo’y bibigyan, maghanap at matatagpuan ninyo, kumatok at bubuksan ang pinto para sa inyo. Talaga ngang tumatanggap ang humihingi, nakakatagpo ang naghahanap at pinagbuksan ang kumakatok. “Sino sa inyo ang amang magbibigay ng ahas sa kanyang anak kung isda at hindi ahas ang hiningi nito? Sino ang magbibigay ng alakdan ...

Lukas 8:1-3

Image
Naglibot si Jesus sa bawat lunsod at bayan na nangangaral at ibinabalita ang Kaharian ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa at ilang mga babae na pinagaling sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinaguriang Magdalena, na nilisan ng pitong demonyo, si Juana na asawa ni Kusa na katiwala ni Herodes, at si Susana at iba pang naglilingkod sa kanila mula sa kanilang kaya. Source: Radio Veritas

Kumpilan 2012

Image
Tayo po ay nagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa patuloy niyang pag gabay sa atin upang lumago sa ating Pananampalataya. Taon-taon pinagsusumikapan nating mapaghandaan at maihanda ang mga bata na tatangggap ng Banal na Sakramento ng Kumpil upang gabayan sila ng espiritu Santo sa kanilang mga desisyon sa pagtahak nila sa buhay na ito. Ang mga kinukumpilan ay inihahanda ng mga katekista sapamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng mga bagay na dapat nilang malaman bilang mga mabubuting ananampalatayang Katoliko. Sinasanay sa panalangin at pag gawa ng mga bagay na kalugod lugod sa Diyos. Kinukumpisal ko sila bago tumanggap ng nabanggit na Sakramento. Ang Obispo ang nagkukumopil sa kanila. Ang kagalang-galang na obispo Leo M. Drona ang nagkumpil sa kanila. Nangyari ito noong Agosto 19, 2012 sa ganap na ika 2 ng hapon sa Parokya ni San Agustin, Bay, Laguna, Philippines. Ang kinumpilan ay ang mga may edad ng 12 pataas na may bilang na 248. kumpilan 2012 - how to create a free...

Lunes - Enero 23, 2012, Ika-3 Linggo ng Taon

Image
Lunes - Enero 23, 2012 Ika-3 Linggo ng Taon Unang Pagbasa 2 Samuel 5:1-10 Naghari si David sa Israel at Juda 1 Nagkaisa ang lahat ng lipi ng Israel na pumunta sa Hebron upang makipagkita kay David. Sinabi nila, "Kami'y laman ng iyong laman at dugo ng iyong dugo. 2 Nang si Saul pa ang hari namin, pinangunahan mo ang mga kawal ng Israel sa pakikipagdigma. Ipinangako sa iyo ni Yahweh na ikaw ang magiging pastor ng Israel at ikaw ang mamumuno sa kanyang bayan." 3 Lahat ng pinuno ng Israel ay nagpunta nga sa Hebron at doo'y nakipagkasundo sa kanya sa harapan ni Yahweh. Binuhusan nila ng langis si David at kinilalang hari sa Israel. 4 Tatlumpung taon na noon si David nang siya'y magsimulang maghari, at naghari siya sa loob ng apatnapung taon. 5 Sa Hebron, pitong taon at kalahati siyang namuno sa Juda. Sa Jerusalem naman ay tatlumpu't tatlong taon siyang naghari sa buong Israel at Juda. 6 Nang siya'y maging hari, pinanguna...