Posts

Showing posts with the label gawa

Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21

Image
Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Tugon: Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos. Sa lupain nila’y mayroong taggutom na ipinarating itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain. Subalit ang Diyos sa unahan nila’y may sugong lalaki tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose. Tugon: Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos. Mga paa nito’y nagdanas ng hirap nang ito’y ipangaw, pati leeg niya’y pinapagk’wintas ng kolyar na bakal; hanggang sa dumating ang isang sandali na siya’y subukin nitong Panginoon, na siyang nangakong siya’y tutubusin. Tugon: Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos. Ang kinasangkapan niya’y isang hari, siyang nagpalaya, pinalaya siya nitong haring ito na namamahala, doon sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala, sa buong lupain, si Jose’y ginawa niyang katiwala. Tugon: Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos.

Alaala sa Kabanal-banalang Pangalan ni Jesus

Image
January 3, 2011 - Opsyonal na alaala para sa Pinaka-banal-banalang Pangalan ni Jesus Pinagdiriwang ng Iglesia ngayon ang opsyonal na alaala ng Kabanal-banalang Pangalan ni Jesus. Ayon sa 1962 misal ng Beato John XXIII pambihirang pamamaraan ng seremonyang Romano ang kapistahang ito na bantog sa Enero 2. Sa maliturhiyang pagbabago ng Vatican II, ang kapistahan ay tinanggal, bagaman pwedeng ipagdiwang bilang Misa Votiva para sa mga maydebosyon nito. Sa paglabas ng rebisadong Romano misal noong Marso 2002, ang kapistahan ay naibalik bilang isang opsyonal na alaala sa ordinaryong pamamaraan sa Enero 3. Sapamamagitan ng Iglesia ay naipapahayag sa atin ang mga kababalaghan ng magkatawang-tao ng Salita sa pamamagitan ng pag-awit ang mga kaluwalhatian ng Kanyang pangalan. Ang pangalan ni Jesus ay nangangahulugan na Tagapagligtas; ito ay ipinapakita sa isang panaginip kay Jose kasama ang kahulugan nito at sa ating kamahal-mahalang birhen ng pagpapahayag sapamamagitan ng arkanghel Gabriel. ...

Lunes - Disyembre 26, 2011, Esteban, Unang Martir

Image
Lunes - Disyembre 26, 2011 Esteban, Unang Martir Unang Pagbasa Gawa 6:8-7:59 Ang Pagdakip kay Esteban 8 Pinagpala ng Diyos si Esteban at pinagkalooban ng kapangyarihan, kaya't nakakagawa siya ng maraming kababalaghan at himala sa harapan ng madla. 9 Minsan, nakipagtalo sa kanya ang ilang kasapi ng sinagoga ng mga Pinalaya, na binubuo ng mga Judiong taga-Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia. 10 Ngunit wala silang magawa sa karunungang kaloob ng Espiritu kay Esteban. 11 Kaya't lihim nilang sinulsulan ang ilang lalaki na magpatotoo laban sa kanya ng ganito, "Narinig naming nilalait niya si Moises at ang Diyos." 12 Sa gayon, naudyukan nilang magalit kay Esteban ang mga tao, ang mga pinuno ng bayan at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Siya'y sinunggaban nila at dinala sa Sanedrin. 13 Nagharap sila ng mga sinungaling na saksi laban kay Esteban. Sinabi nila, "Ang taong ito ay walang tigil ng pagsasalita laban sa banal na Templo...