Posts

Showing posts with the label gawain

Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8

Image
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8 Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasalamat, sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap. Sa harap ng iyong templo ay yuyulo at gagalang, pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan. Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan, ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan. Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako. Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway, ligtas ako sa piling mo, sa takas na iyong taglay. Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat, ang dahilan nito Poon, pag-ibig mo’y di kukupas, at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap. Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap.

Lukas 10:38-42

Image
Sa kanilang paglalakbay, pumasok si Jesus sa isang nayon at pinatuloy siya ng isang babaeng nagngangalang Marta. May kapatid siyang babae na tinatawag na Maria. Naupo ito sa may paanan ng panginoon at nakikinig sa kanyang salita. Abalang-abala naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya lumapit siya at sinabi: “Panginoon, hindi mo ba napapansing pinabayaan ako ng aking kapatid na babae na magsilbing mag-isa? Pakisabi mo naman sa kanya na tulungan ako.” Sumagot sa kanya ang Panginoon: “Marta, Marta, abala ka’t balisa sa maraming bagay; isa lang naman ang kailangan. Pinili nga ni Maria ang mainam na bahagi na hindi kukunin sa kanya.” Source: Radio Veritas