Genesis 3
3 • 1 Pinakatuso ang ahas sa lahat ng mababangis na hayop na ginawa ni Yawe-Diyos. Sinabi nito sa babae: “Sinabi ba talaga ng Diyos – Hindi kayo dapat kumain ng bunga ng alinmang puno sa hardin?” 2 Sinabi ng babae sa ahas: “Makakain namin ang mga bunga ng mga puno sa hardin, 3 ngunit para sa bunga ng punong nasa gitna ng hardin sinabi ng Diyos – Huwag ninyong kakanin iyon ni hipuin man lang, kung hindi’y mamamatay kayo.” 4 Sinabi ng ahas sa babae: “Hindi kayo mamamatay, 5 ngunit alam ng Diyos na sa oras na kainin ninyo iyon, mamumulat ang inyong mga mata at matutulad kayo sa mga diyos na alam ang mabuti at masama.” 6 Sa tingin ng babae ay katakam-takam ang bunga ng puno at masarap kainin – at tunay na magandang paraan upang magtamo ng kaalaman. Kaya pumitas siya ng mga bunga niyon at kumain, at inabutan niya kaagad ang kanyang asawa na kasama niya. At kumain din iyon. 7 Namulat sila kapwa...