Posts

Showing posts with the label homiliya

Homiliya Sa Pagsisimula ng Kuwaresma 2017 ni Obispo Buenaventura

Image
Noong nakaraang taon, nagdiwang tayo ng Panahon ng Adviento na sinundan ng Panahon ng Pasko. Masaya nating ipinagdiwang ang kapanganakan ni Jesus. Ngayon nagsisimula tayo ng Panahon ng Kuwaresma. Malaki ang agwat ng kaligayahan ng Pasko at kalungkutan ng Kuwaresma. Ang totoo, ang dalawang ito ay magkadugsong at hindi magkahiwalay. Sa Pasko, ipinagdiwang natin ang kapanganakan ni Jesus bilang ating manunubos. Sa Kuwaresma isinasakatuparan na ni Jesus ang pagiging manunubos. Siyempre sa Kuwaresma naroon ang kalungkutan pero may dahilan ito. Sa kuwaresma, hinaharap natin ang katotohanan bilang tao na makasalanan. Ano ang kahulugan ng pagiging makasalanan? Malayo sa Diyos, sumuway sa Diyos, nagtakwil sa Diyos. Kung inilalayo, kung sumusuway, kung itinatakwil natin ang bukal ng lahat ng kabutihan, katotohanan, kaligayahan, pag-ibig at kapayapaan saan tayo napupunta? Sa kasamaan, kasinungalingan, sa kapighatian, sa pagkamuhi at kaguluhan. Tayo ay nahihirapan, naguguluhan, nasa...

Homiliya ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa Misa sa Quirino Grandstand sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno January 09, 2012 - Monday

Image
Homiliya ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa Misa sa Quirino Grandstand sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno January 09, 2012 - Monday Maligayang piyesta po sa inyong lahat. Marami po sa atin ang pumarito at mananatili upang dalhin sa Panginoon ang ating mga panalangin, mga kahilingan, ang ating mga sugat, mga problema, mga hinaing. Sa atin pong pagtitipon, alalahanin natin ang ating mga kapatid natin sa Northern Mindanao at sa ilang bahagi ng kabisayaan na hanggang ngayon po ay nagsisikap bumangon pagkatapos ng Sendong. Alalahanin din natin ang mga kapatid natin sa Compostela Valley na naapektuhan ng landslide, pwede po bang tumahimik tayo sandali mag-alay ng panalangin sa Poong Hesus Nazareno para sa mga kapatid nating nagdurusa. Sa banal na misang ito, tayo po ay sumasamba sa Diyos at nagpupuri sa Kanya, ang atin pong pagtitipon ay laging espesyal basta nagkakatipon sa pangalan ng Diyos, iyan ay espesyal na pagtitipon at tayo ay nagpapasalamat sa ating minamahal na Pre...