Posts

Showing posts with the label hukom

Jeremias 11, 18-20

Image
Aklat ni propeta Jeremias 11, 18-20 Ipinabatid sa akin ng Panginoon ang masamang balak laban sa akin ng mga kaaway ko. Ako’y parang maamong tupang dinadala sa patayan at hindi ko nalalamang may masamang balak pala sila sa akin. Wika nila, “Putulin natin ang puno habang malusog; patayin natin siya nang wala nang makaalaala pa sa kanya.” At dumalangin si Jeremias, “Panginoon, ikaw ay hukom na makatarungan. Nababatid mo ang isipan at damdamin ng bawat tao. Ikaw ang maghiganti sa mga taong ito; ipinauubaya ko po sa iyo ang aking gawain.”

Sabado - Nobyembre 12, 2011,ka-32 na Ordinaryong Linggo (Josefat)

Image
Sabado - Nobyembre 12, 2011      Ika-32 na Ordinaryong Linggo  (Josefat) Unang Pagbasa               Karunungan ni Solomon 18:14–19:9 14 Payapa at tahimik ang lahat, nangangalahati na ang gabi, 15 walang anu-ano'y bumaba ang makapangyarihan mong mga salita, mula sa iyong maharlikang trono sa langit, pumagitna sa lupaing iyon na itinalaga mong wasakin gaya ng mabagsik na mandirigma. 16 Taglay niya ang matalim na tabak ng iyong mga utos. Tumayo siya, ang ulo niya'y abot sa langit, at pinalaganap ang kamatayan sa buong lupain. 17 Walang anu-ano, nakakita sila ng nakakatakot na mga mukha, at sila'y pinagharian ng takot. 18 Kabi-kabila ay may nabubuwal na naghihingalo. Bawat isa'y nagsasabi kung bakit siya namamatay. 19 Ipinagpauna ito sa kanila sa pamamagitan ng isang nakakatakot na panaginip, upang bago sila mamatay ay malaman nila ang dahilan. Iniligtas ang mga Israelita 20 A...