Posts

Showing posts with the label ikalawa

Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
Linggo ng Mga Katutubo/ Linggo ng Matinding Kahirapan https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3205713412860578&id=1565396137123434 Posted by Nuestra SeƱora de la Natividad Parish - Pangil, Laguna on  Sunday, October 11, 2020 UNANG PAGBASA Isaias 25, 6-10a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sa Bundok ng Sion, aanyayahan ng Panginoon ang lahat ng bansa, gagawa siya ng isang piging para sa lahat na ang handa’y masasarap na pagkain at inumin. Sa bundok ding ito’y papawiin niya ang kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa. Lubusan na niiyang papawiin ang kamatayan, papahirin ng Panginoon ang luha ng lahat; aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan. Kung magkagayon, sasabihin ng lahat: “Siya ang ating Diyos na ating pinagtitiwalaan, ang inaasahan nating magliligtas sa atin; Magalak tayo at ipagdiwang ang kanyang pagliligtas.” Iingatan ng Diyos ang bundok na ito. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ...

Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 25-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Marahil ay sasabihin ninyong hindi tama itong ginagawa ko. Makinig kayo, mga Israelita: Matuwid ang aking tuntunin, ang pamantayan ninyo ang baluktot. Kapag ang isang taong matuwid ay nagpakasama, mamamatay siya dahil sa kasamaang ginawa niya. At ang masamang nagpakabuti at gumawa ng mga bagay na matuwid ay mabubuhay. Dahil sa pagtalikod sa nagawa niyang kasamaan noong una, mabubuhay siya, hindi mamamatay.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 24, 4kb-5. 6-7. 8-9 Poon, iyong gunitain wagas mong pag-ibig sa ‘kin. Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos, ituro mo sana sa aba mong lingkod; ayon sa matuwid, ako ay turuan, ituro mo, Poon, ang katotohanan; Tagapagligtas ko na inaasahan. Poon, iyong gunitain wagas mong pag-ibig sa ‘kin. Poon, gunitain, pag-ibig mong wagas, at ang kabutihang noon pa’y nahayag. Patawarin ako sa pagkakasala, sa kamalian ko nang ako’y bata pa; pagkat pag-ib...

Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Sirak 27, 33 – 28, 9 Pagbasa mula sa aklat ni Sirak Ang poot at pagngingitngit ay dapat ding kamuhian; ngunit sa makasalanan, iyan ay pangkaraniwan. Natatandaan ng Panginoon ang kasalanan ng bawat tao, at ang mapaghiganti ay paghihigantihan din niya. Patawarin mo ang kapwa sa kanyang pagkukulang, at pag ikaw ay dumalangin sa Diyos, patatawarin ka rin naman. Ang nagtatanim ng galit laban sa kapwa, pag tumawag sa Panginoon, walang kakamtang awa. Kung hindi ka nahahabag sa iyong kapwa, paano mong ihihingi ng tawad ang iyong kasalanan? Kung ikaw na tao lamang, ay nagkikimkim ng galit, sinong magpapatawad sa iyo sa mga kasalanan mo? Alalahanin mo ang iyong wakas at pawiin mo ang iyong galit. Isipin mo ang kamatayan at sundin mo ang Kautusan. Dili-dilihin mo ang Kautusan at huwag kang magalit sa kapwa; alalahanin mo ang Tipan ng Kataas-taasan at matuto kang magpatawad. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamag...