Posts

Showing posts with the label juan

Juan 7, 40-53

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 7, 40-53 Noong panahong iyon, marami sa mga nakarinig kay Hesus ang nagsabi, “Tunay ngang ito ang Propetang hinihintay natin!” “Ito nga ang Mesias!” sabi ng iba. Ngunit sumagot naman ang iba pa, “Maaari bang magmula sa Galilea ang Mesias? Hindi ba sinabi ng Kasulatan na magmumula ang Mesias sa lipi ni David, at sa Betlehem na bayan ni David ipanganganak?” Magkakaiba ang palagay ng mga tao tungkol sa kanya. Ibig ng ilan na dakpin siya, ngunit wala namang nangahas humuli sa kanya. Ang mga kawal na bantay sa templo ay nagbalik sa mga punong saserdote at sa mga Pariseo. “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?” tanong nila sa mga bantay. Sumagot sila, “Wala pa pong nagsalita nang gaya niya!” “Kayo man ba’y nalinlang din?” Tanong ng mga Pariseo. “Mayroon bang pinuno o Pariseong naniwala sa kanya? Wala! Mga tao lamang na walang nalalaman sa Kautusan ang naniniwala sa kanya – mga sinumpa!” Isa sa mga naroon ay si Nicodemo, na nagsadya ka...

Juan 7, 1-2. 10. 25-30

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 7, 1-2. 10. 25-30 Noong panahong iyon, nilibot ni Hesus ang Galilea; iniwasan niya ang Judea, sapagkat ibig siyang patayin ng mga Judio roon. Nalalapit na ang Pista ng mga Tolda, isang pista ng mga Judio. Pagkaalis ng kanyang mga kapatid, si Hesus ma’y pumunta rin sa pista, ngunit hindi hayagan. Sinabi ng ilang taga-Jerusalem, “Hindi ba ito ang taong gusto nilang patayin? Hayan! Lantaran siyang nagsasalita, ngunit wala silang sinasabi laban sa kanya! Baka naman nakilala ng mga pinuno na siya nga ang Mesiyas! Walang makaaalam kung saan magmumula ang Mesiyas pagparito niya, ngunit alam naman natin kung saan nagmula ang taong ito!” Kaya’t nang nasa templo si Hesus at nagtuturo, malakas niyang sinabi, “Ako ba’y nakikilala ninyo? Alam ba ninyo kung saan ako nagmula? Hindi ang naparito sa ganang akin lamang. Ang Totoo ang siyang nagsugo sa akin, ngunit hindi ninyo siya nakikilala. Nakikilala ko siya, sapagkat ako’y mula sa kanya...

Juan 5, 31-47

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 5, 31-47 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Kung ako lamang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, huwag ninyong tanggapin, ngunit may ibang nagpapatotoo tungkol sa akin, at totoo ang kanyang sinasabi. Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patoto ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya. At ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin. Kailanma’y hindi ninyo narinig ang kanyang tinig, at nakita ang kanyang anyo. Walang pitak sa inyong puso ang kanyang salita, sapagkat hindi kayo nananalig sa akin na sinugo niya. Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan...

Juan 5, 1-16

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 5, 1-16 Nang dumating ang pagdiriwang ng pista ng Judio, pumunta si Hesus sa Jerusalem. Sa lungsod na ito, malapit sa Pintuan ng mga Tupa, ay may malaking deposito ng tubig na may limang portiko. Kung tawagin ito sa wikang Hebreo ay Betesda. Natitipon dito ang maraming maysakit – mga bulag, mga pilay, at mga paralitiko. Hinihintay nilang gumalaw ang tubig, sapagkat may panahong bumababa ang isang anghel ng Panginoon at kinakalawkaw ang tubig. Ang maunang lumusong pagkatapos makalawkaw ang tubig ay gumagaling, anuman kanyang karamdaman. Doo’y may isang lalaking talumpu’t walong taon nang may sakit, at siya’y nakita ni Hesus. Alam nitong matagal nang may sakit ang lalaki. Tinanong siya ni Hesus, “Ibig mo bang gumaling?” Sumagot ang may sakit, “Ginoo, wala pong maglusog sa akin kapag nakalawkaw na ang tubig; patungi pa lamang ako roon ay may nauuna na sa akin.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at lu...

Juan 4, 43-54

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 4, 43-54 Noong panahong iyon, umalis si Hesus sa Samaria at nagtungo sa Galilea. Sapagkat si Hesus na rin ang nagsabing ang isang propeta’y hindi iginagalang sa kanyang sariling bayan. Pagdating niya sa Galilea ay mabuti ang pagtanggap sa kanya ng mga tagaroon, sapagkat nasa Jerusalem din sila noong Pista ng Paskuwa at nakita nila ang lahat ng kanyang ginawa roon. Nagpunta uli si Hesus sa Cana, Galilea. Doon niya ginawang alak ang tubig. Doon naman sa Capernaum ay may isang mataas na pinuno ng pamahalaan; at may sakit ang kanyang anak na lalaki. Nang mabalitaan niyang bumalik si Hesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito. Pinakiusapan niya itong pumunta sa Capernaum at pagalingin ang kanyang anak na naghihingalo. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Hangga’t hindi kayo nakakikita ng mga palatandaan at mga kababalaghan, hindi kayo mananampalataya.” Ngunit sinabi ng pinuno, “Tayo na po, Ginoo, bago mamatay ang aking anak.” Sumagot ...

Juan 9, 1. 6-9. 13-17. 34-38

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 9, 1. 6-9. 13-17. 34-38 Noong panahong iyon: Sa paglalakad ni Hesus ay may nakita siyang isang lalaking ipinanganak na bulag. At si Hesus ay lumura sa lupa at gumawa ng putik. Ipinahid niya ito sa mata ng bulag. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pumunta ka sa deposito ng tubig sa Siloe.” “Maghilamos ka roon.” Gayon nga ang ginawa ng bulag at nang magbalik ay nakakita na. Sinabi ng mga kapitbahay niya at ng mga nakakita sa kanya noong siya’y namamalimos pa, “Hindi ba iyan ang lalaking dating nagpapalimos?” Sumagot ang ilan, “Iyan nga!” “Hindi! Kamukha lang,” wika naman ng iba. At sumagot ang lalaki, “Ako nga po iyon.” Dinala nila sa mga Pariseo ang dating bulag. Araw ng Pamamahinga nang gumawa si Hesus ng putik at padilatin ang bulag. Tinanong din siya ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. Sinabi niya sa kanila, “Pinahiran niya ng putik ang aking mga mata, naghilamos ako pagkatapos, at ngayo’y nakakita na ako.” Ang sabi ng Hari s...

Juan 8, 12

Image
Juan 8, 12 Ang sabi ng Poong mahal, “Sa daigdig ako’y ilaw. Kapag ako ay sinundan, ang dilim ay mapaparam at sa aki’y mabubuhay.”

Juan 11, 25a at 26

Image
Juan 11, 25a at 26 Pagkabuhay ako’t buhay, nabubuhay na sinumang ako’y pinananaligan ay di magpapanaigan ng kamatayan kailanman.

Juan 6, 63k. 68k

Image
Juan 6, 63k. 68k Salita mo, Kristong mahal, Espiritung bumubuhay, nagtuturo’t umaakay sa nagnanais makamtan ang langit na walang hanggan.

Juan 4, 42. 15

Image
Juan 4, 42. 15 Aming pinananaligang Tagapagligtas ng tanan, Panginoon, kami’y bigyan ng tubig na bumubuhay upang kami’y di mauhaw.

“Pero tingnan ninyo kung paano ipinakikita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin: namatay si Kristo para sa atin noong makasalanan pa tayo.” (Roma 5:8)

Image
Liham Pastoral ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Ukol sa Parusang Kamatayan “Pero tingnan ninyo kung paano ipinakikita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin: namatay si Kristo para sa atin noong makasalanan pa tayo.” (Roma 5:8) Ngayong Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, ang Ebanghelyo ayon kay San Juan ay nangungusap sa atin kung paanong ang isang Samaritana - na natagpuan kay Hesus, ang tubig na nagbibigay-buhay na matagal na niyang hinahangad- ay iniwan ang kanyang banga sa balon (Juan 4:28).Gaya ng Samaritana, ang mga Israelita na may katigasan ng puso sa Unang Pagbasa,na halos mamatay na sa matinding pagkauhaw sa disyerto,ay dinala patungo sa isang bato (Exodo 17:6). Marahil ay maaari nating isipin na ang batong ito ay si Hesus mismo na pinahirapan at pinagpakasakit sa Krus ngunit sa Kanya’y dumaloy ang tubig na nagbibigay buhay. Dahil kay Hesus, naging ganap sa Bayan ng Diyos ang pagtawid sa tigang na disyerto ng galit, kasalanan at kamataya...

Juan 8, 12

Image
Juan 8, 12 Ang sabi ng Poong mahal: “Sa daigdig ako’y ilaw. Kapag ako ay sinundan, ang dilim ay mapaparam at sa aki’y mabubuhay.”

Mateo 17:1-9

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo  17:1-9 Noong panahong iyon:  Isinama ni Hesus si Pedro,  at ang magkapatid na Santiago at Juan,  at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok.  Samantalang sila’y naroon,  nakita nilang nagbagong-anyo si Hesus:  nagliwanag na parang araw ang kaniyáng mukha,  at pumuting parang busilak ang kaniyáng damit.  Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad  sina Moises at Elias na nakikipagusap kay Hesus.  Kaya’t sinabi ni Pedro kay Hesus,  “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo.  Kung ibig ninyo,  gagawa ako ng tatlong kubol:  isa sa inyo,  isa kay Moises at isa kay Elias."  Nagsasalita pa siyá nang liliman sila ng isang maningning na ulap.  At mula rito’y may tinig na nagsabi:  “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.  Pakinggan ninyo siyá!"  Ang mga alagad ay natakot nan...

Mateo 17:1-9

Image
1 Pagkaraan  ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila'y umakyat sa isang mataas na bundok.  2 Habang sila'y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit.  3 Nakita na lamang ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. 4 Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Panginoon, mabuti't naririto kami. Kung gusto ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol, isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.” 5 Habang  nagsasalita pa si Pedro, nililiman sila ng napakaliwanag na ulap. Mula rito'y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!”  6 Nang marinig ng mga alagad ang tinig, labis silang natakot at nagpatirapa.  7 Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinawakan. “Tumayo kayo, huwag kayong matakot!” sabi niya.  8 Nang tumingin sila...

Mateo 9: 14-17

Image
14  Noo’y lumapit sa kanya ang mga alagad ni Juan at nagtanong: “May araw ng ayuno kami at ang mga Pariseo, at wala bang pag-aayuno ang iyong mga alagad?” 15  Sinagot sila ni Jesus: “Puwede bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo? Darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno. 16  Walang magtatagpi ng bagong pirasong tela sa lumang balabal sapagkat uurong ang tagpi at lalo pang lalaki ang punit. 17  At hindi ka rin naman maglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung gagawin mo ito, puputok ang mga sisidlan at matatapon ang alak at masisira rin ang mga sisidlan. Sa bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak; sa gayo’y pareho silang tatagal.”

Lk 9:7-9

Image
Nabalitaan naman ng tetrarkang si Herodes ang lahat ng pangyayaring ito at litung-lito siya dahil may nagsasabing nabuhay mula sa mga patay si Juan. Sinabi naman ng iba na nagpakita si Elias, at iba pa na isa sa Mga Propeta noon ang bumangon. At sinabi ni Herodes: “Pinapugutan ko na si Juan; sino nga kaya itong nababalitaan kong gumagawa ng mga iyon?” Kaya sinikap niyang makita si Jesus. Source: Radio Verita s

Lukas 7:31-35

Image
Nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan, at sa ano sila katulad? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa, at nagrereklamo ang ilan sa kanila” ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo at hindi kayo sumayaw, at nang umawit naman kami ng punebre, ayaw naman ninyong umiyak.’ Ganito rin naman ang nangyari. Dumating si Juan Bautista na hindi kumakain ng tinapay ni umiinom ng alak, at ang sabi ninyo’y ‘Nasisiraan siya ng bait!’ Dumating naman ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at sinabi naman ninyong ‘Narito ang taong matakaw at lasenggo, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan.’ Gayon pa ma’y nakilala ng kanyang mga anak ang Karunungan.” Source: Radio Veritas

Lukas 6:12-19

Image
Umakyat si Jesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. Nang umaga na, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa sa kanila na tinawag niyang apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito; si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinaguriang Zelota, si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging tagapagkanulo. Pagkababa kasama nila, tumigil si Jesus sa isang patag na lugar. Naroon ang maraming alagad niya, at napakarami ring tao mula sa buong Judea at Jerusalem at mula sa baybaying dako ng Tiro at Sidon ang dumating para makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Gumaling din ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. Kaya’t sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya dahil may kapangyarihang lumalabas sa kanya, na nagpapagaling sa lahat.

Lukas 5:33-39

Image
Sinabi ng mga Pariseo at mga guro ng Batas kay Jesus: “Madalas mag-ayuno at may mga panalangin ang mga alagad ni Juan, at gayundin naman ang mga alagad ng Pariseo; kumakain naman at umiinom ang iyo.” “Kaya sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi n’yo mapag-aayuno ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo, di ba? Ngunit darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.” Sinabi pa ni Jesus sa kanila ang isang talinhaga: “Walang pumuputol ng panagpi mula sa bagong damit at itinatagpi sa lumang damit. Kung hindi’y napupunit na ang mga bago at hindi pa magiging bagay sa lumang damit ang tagping mula sa bago. At wala ring naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung hindi’y sisirain ng bagong alak ang mga lumang sisidlan kaya matatapon ang alak at masisira pati mga sisidlan. Sa halip ay sa mga bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak. Hindi naman humihingi ng bagong alak ang umiinom ng luma, sinasabi nga niya: ‘Ang luma ang siyang ...

Markos :6:17-29

Image
Si Herodes ang nagpahuli kay Juan, at ipinakadena ito sa kulungan dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe. Pinakasalan ni Herodes si Herodias at sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi mo puwedeng kasamahin ang asawa ng iyong kapatid. Talaga ngang matindi ang galit ni Herodias kay Juan at gusto niya itong patayin pero hindi niya magawa. Iginagalang nga ni Herodes si Juan dahil itinuturing niya itong mabuti at banal na tao kaya pinanatili niya itong buhay. Nalilito siya matapos making kay Juan, gayunma’y gusto pa rin niyang marinig ito. At nagkaroon ng pagkakataon sa kaarawan ni Herodes nang maghanda siya sa kanyang mga opisyal, mga pinuno ng hukbo at mahalagang tao ng Galilea. Pagpasok ng anak ni Herodias, nagsayaw ito at nasiyahan naman sa kanya si Herodes at lahat ng nasa handaan. Sinabi ng hari sa dalagita: “Ibibigay ko sa iyo ang anumang hingin mo.” At sinumpaan pa niya ang pangakong ito: “Ibibigay ko sa iyo ang anumang hingin mo kahit na ang kalahati ng aking kah...