Posts

Showing posts with the label kaloob

Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Image
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon, purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion. Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat, ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas. Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo, bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo. Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad, dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat. Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Kay Jacob n’ya ibinibigay ang balita at pabilin, ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel. Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa, pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda. Purihin ang Panginoon! Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.

Roma 4, 13. 16-18. 22

Image
Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma 4, 13. 16-18. 22 Mga kapatid, ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang lahi na mamanahin nila and sanlinutan, hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan kundi sa kanyang pananalig sa Diyos at sa gayo’y siya’y pinawalang-sala. Kaya nga, ang pangako ay nababatay sa pananalig upang ito’y maging isang kaloob sa lahi ni Abraham-hindi lamang sa mga sumusunod sa Kautusan kundi sa lahat ng nananalig sa Diyos, tulad niya, yamang siya ang ama nating lahat. Ganito ang nasusulat: “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Ang pangakong ito ay may bisa sa harap ng Diyos na kanyang pinanaligan, ang Diyos na bumubuhay sa mga patay at lumikha sa lahat ng bagay. Bagamat wala nang pag-asang magkaanak, nanalig pa rin si Abraham na siya’y magiging ama ng maraming bansa, ayon sa sinabi sa kanya, “Kasindami ng bituin ang magiging lahi mo.” Kaya’t dahil sa kanyang pananalig, siya’y pinawalang-sala.