Posts

Showing posts with the label karaniwang panahon

Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Denis, Obispo at mga Kasama, mga Martir  San Juan Leonardi, Pari UNANG PAGBASA Galacia 3, 7-14 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, maliwanag na ang mga nananalig sa Diyos ang siyang tunay na lahi ni Abraham. Hindi pa ma’y ipinakita na ng Kasulatan na pawawalang-sala ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya. At ipinahayag na kay Abraham noon pa ang Mabuting Balita: “Sa pamamagitan mo’y pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa.” Nanalig sa Diyos si Abraham at siya’y pinagpala kaya’t pagpapalain ding tulad niya ang lahat ng nananalig sa Diyos. Ang lahat ng nananangan sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan, “Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.” Maliwanag, kung gayun, na walang taong ibibilang na matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan sapakat “Ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuha...

Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Mangangaral 1, 2-11 Pagbasa mula sa aklat ng Mangangaral Walang kabuluhan, walang halaga ang lahat ng bagay. Magpakahirap ka man, gumawa man nang gumawa ay wala ring mapapala. Patuloy ang pagpapalit-palit ng mga lahi ngunit hindi nagbabago ang daigdig. Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan. Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga; habang araw na paikut-ikot. Lahat ng tubig ay umuuwi sa dagat ngunit di ito napupuno. Ang tubig ay bumabalik sa batis na pinagmulan upang muling umagos patungong karagatan. Ang lahat ng bagay ay nakababagot, hindi makakayang ipaliwanag. Walang sawa ang paningin ng tao; walang tigil ang kanyang pakinig. Ang naganap noon ay nangyayari ngayon. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari. Walang bagong pangyayari sa ibabaw ng daigdig. Ang sabi ng iba, “Halikayo! Ito’y bago.” Ngunit naganap na yaon noong di pa tayo tao. Di na maalaala ang mga nauna. At ang nangyayari ngayon ay malil...