Posts

Showing posts with the label kawawa

Mateo 23:23-26

Image
Sinabi ni Jesus: “Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Hindi n’yo nalilimutan ang mint, anis at kumino sa pagbabayad ny’o ng ikapu ngunit hindi n’yo tinutupad ang pinakamahalaga sa Batas: ang katarungan, awa at pananampalataya. Ito ang nararapat isagawa na hindi kinakaligtaan ang iba. Mga bulag na tagaakay! Sinasala n’yo ang lamok pero nilulunok ang kamelyo. “Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nililinis n’yo ang labas ng plato at kopa ngunit pinupuno n’yo naman ang loob ng pagnanakaw at karahasan at binabasbasan ang mga ito. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang loob, at lilinis din ang labas. Source: Radio Veritas

Mateo 23:13-22

Image
Sinabi ni Jesus: “Kawawa kayo, mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Isinara n’yo ang Kaharian ng Langit sa harap ng mga tao. Hindi kayo pumasok at hindi n’yo rin pinapapasok ang mga makapapasok. “Kawawa kayo, mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mapagkunwari! Nililibot n’yo ang dagat at lupa para maghanap ng isang bagong tagapaniwala at pagkapaniwala niya, ginagawa n’yo siyang anak ng impiyerno na mas masahol pa sa inyo. “Kawawa kayong mga bulag na tagaakay! Sinasabi n’yong ‘Walang bisa kung sa templo manunumpa, pero may bisa kung sa ginto ng Templo.’ Mga bulag at baliw! Alin ba ang mas mahalaga? Ang ginto sa Templo o ang Templong nagpabanal sa gintong ito? Ang sabi n’yo’y walang bisa kung sa altar manunumpa pero may bisa kung sa handog na nasa altar. Mga bulag! Alin ba ang mas mahalaga: ang handog o ang altar na nagpabanal sa handog? Ang manumpa sa ngalan ng altar ay dito at sa lahat ng narito nanunumpa. Ang sinumang sumumpa sa Templo ay sumusumpa dito...