Posts

Showing posts with the label ketong

Mateo 10: 7-15

Image
7  Ipahayag ang mensaheng ito sa in­yong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaha­rian ng Langit.’ 8  Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga may­ketong at palayasin ang mga demonyo. Tinanggap ninyo ito nang walang bayad kaya ibigay rin ninyo nang walang bayad. 9  Hu­wag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. 10  Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandal­yas o tungkod, sapagkat may kara­patan ang mang­gagawa sa kanyang ikabubuhay. 11  Pagdating ninyo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at makituloy sa kanya hanggang sa inyong pag-alis. 12  Pagpasok ninyo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. 13  Kung kara­pat-dapat ang sambahayang ito, sasa­kanila ang kapayapaang dinasal ninyo; kung hindi naman karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal. 14  At kung may bahay o bayang hindi tatanggap sa inyo o makikinig sa inyong mga salita, lumabas sa bahay o bayang iyon at ipa...

Lukas 5:12-16

Image
Nang nasa isang bayan si Jesus, may isang tao roon na tadtad ng ketong. Nang makita niya si Jesus, nagpatirapa siya at nakiusap sa kanya: “Ginoo, kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” Kaya iniunat ni Jesus ang kanyang kamay at hinipo siya at sinabi: “Gusto ko, luminis ka! “Nang oras ding iyo’y iniwan ng ketong ang lalaki. Iniutos sa kanya ni Jesus: “Huwag mo itong sabihin kanino man kundi pumunta ka sa pari para masuri ka niya at maialay alang-alang sa iyo ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng patunay.” Ngunit lalo namang kumalat ang balita tungkol sa kanya at pumunta sa kanya ang maraming tao para makinig at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Kaya madalas na mag-isang pumupunta si Jesus sa mga ilang na lugar para manalangin. Radio Veritas

Huwebes - Enero 12, 2012, Unang Linggo ng Taon

Image
Huwebes - Enero 12, 2012 Unang Linggo ng Taon Unang Pagbasa 1 Samuel 4:1-11 Nalupig ang Israel 1 Dumating ang araw na nakipagdigmaan ang mga Israelita laban sa mga Filisteo. Sa Ebenezer nagkampo ang mga Israelita at sa Afec naman ang mga Filisteo. 2 Sumalakay ang mga Filisteo, at pagkalipas ng isang matinding labanan ay natalo nila ang mga Israelita; sila'y nakapatay ng halos apatnalibong kawal ng Israel. 3 Nang makabalik na ang mga nakaligtas sa kanilang kampo, nagtanungan ang matatandang namumuno sa Israel, "Bakit kaya pinabayaan ni Yahweh na matalo tayo ng mga Filisteo ngayon? Ang mabuti pa'y kunin natin sa Shilo ang Kaban ng Tipan upang samahan tayo ni Yahweh. Siguro kung nasa atin iyon ay ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway." 4 At kinuha nga nila sa Shilo ang Kaban ng Tipan, na kung saan si Yahweh ay nakaluklok sa trono sa ibabaw ng mga kerubin. Sumama sa kanila ang dalawang anak ni Eli na sina Hofni at Finehas. 5 Napasi...