Posts

Showing posts with the label killing

Huwag Kang Papatay!

Image
Ang pamantayan ng Simbahang Katolika sangayon sa turo ng ating panginoong Hesukristo  tungkol sa ikalimang utos na Huwag kang papatay ay makabase sa pangunahaning pamantayan hindi lamang ng Simbahang Katolika Romana kundi sa pangunahing karapatang pantao na nagpapahayag sa pagpapahalaga sa buhay ng tao. Isang biyaya na ipinagkaloob ng Diyos ay ang buhay na ipinagkaloob ng tao na nagpapahalaga sa buhay mula sa sinapupunan ng Ina sa pinakamaaga nitong katatayuan sa panahon ng paglilihi hanggang sa huling sandali ng kanyang hininga sa lahat ng pagkakataon maliban lamang bilang pagtatangol sa buhay, Kaya nga anu mang uri ng pag dungis sa pagpapahalaga sa buhay sa taliwas sa ika limang utos ng Diyos kasama na rito ang abortifacient, aborsyon, homicide, murder, death penalty, extra-judicial killing at mercy killing, Isang banal na tungkulin ng isang kristiyano na ipagtanggol ang buhay at gawin ang lahat upang maiwasan ito sa anu mang pamamaraan sang ayon sa turo ng ating Panginoong Hes...

Christmas 2016 Message of Bishop Buenaventura Famadico of the Diocese of San Pablo

Image
Ang mga sumusunod na pangungusap ang LIHAM PASTORAL ng Lub. Kgg. Mons. Buenaventura M. Famadico, D.D., Lingkod-Obispo ng San Pablo, para sa Araw ng Pasko (2016): Minamahal kong mga kapwa anak ng Diyos, Ipinagdiriwang natin ngayon ang pagsilang ng Diyos na naging tao. Ang Diyos ay naging tao upang tayong mga tao ay makibahagi sa kaluwalhatian, pag-ibig, kagalakan, kapayapaan at buhay na walang hanggan ng Diyos. Yan ang dahilan kung bakit tayo’y nagsasaya. Pero hindi lahat ay masaya. May mga kababayan tayo ngayon na malungkot dahil nawala ang mahal sa buhay. Siya ay pinatay dahil sangkot sa droga. Hindi lamang sila, ayon sa survey ngayong Disyembre, walo sa kada sampung Pilipino ang natatakot na baka siya o kakilala niya ay mamatay sa extra judicial killing. Maging ang  loob ng bahay ay hindi na ligtas. Papasukin ito ng taong nagnanais pumatay.  Hindi ka na rin makatitiyak na ikaw ay ipagtatanggol ng may kapangyarihan sapagkat sila mismo ay kasama rin sa m...