Posts

Showing posts with the label lazaro

Lucas 16, 19-31

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Lucas 16, 19-31 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Pariseo: “May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isa namang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapiling ni Lazaro. At sumigaw siya, ‘Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng lupa, at si Lazaro’y nagtiis ng ...

Lukas 16:19-31

Image
Sinabi ni Jesus sa mga Pariseo: “May isang mayaman na nakabihis ng magarang damit at pinong linen at parang piyeta ang kanyang buhay sa araw-araw. Nakahandusay naman sa may pintuan niya ang isang dukhang nagngangalang Lazaro. Tadtad siya ng mga sugat at gusto sana niyang kainin ang mumong nahuhulog sa hapag ng mayaman; sa halip ay mga aso ang lumalapit sa kanya at hinihimuran ang kanyang mga sugat. At namatay ang dukha at dinala siya ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin naman ang mayaman at inilibing. Nang nasa impiyerno na siya, tumingala siya sa kanyang pagdurusa at natanaw sa malayo si Abraham at si Lazaro sa piling nito. Kaya sumigaw siya: ‘Amang Abraham, maawa ka sa akin at utusan mo naman si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri para paginhawahin ang aking dila dahil lubha akong naghihirap sa lagablab na ito.’ “Sumagot si Abraham: ‘Anak, alalahanin mong tinanggap mo na sa buhay mo ang mabuti sa iyo at kay Lazaro naman ang masasama. Kaya siya ngayon a...

Juan 11:19-27

Image
Marami sa mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria upang makiramay sa kanila dahil sa pagyao ng kanilang kapatid. Kaya pagkarinig ni Marta na dumarating si Jesus, sinalubong niya ito. Si Maria naman ay nakaupo sa bahay. At sinabi ni Marta kay Jesus: “Panginoon, kung naririto ka, hindi sana namatay ang kapatid ko. Subalit kahit na ngayon, alam kong anuman ang hilingin mo sa Diyos, ibibigay ito sa iyo ng Diyos.” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Babangon ang kapatid mo.” Sumagot sa kanya si Marta: “Alam ko na babangon siya sa muling pagkabuhay sa huling araw.” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ako ang muling pagkabuhay (at ang buhay). Mabubuhay ang naniniwala sa akin kahit na siya ay mamatay. Hinding-hindi mamamatay ang bawat nabubuhay sa paniniwala sa akin. Pinaniniwalaan mob a ito?” Sinabi niya sa kanya: “Opo, Panginoon. Naniniwala nga ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos na dumarating sa mundo.”

Department of Health

Image
General Information Department of Health San Lazaro Compound Rizal Avenue Manila NCR 1014 +63 (2) 743 8301 to 23 http://www.doh.gov.ph Contact Information Hon. Francisco T. Duque III Secretary 2/F DOH Building I, San Lazaro Compound Rizal Avenue, Sta. Cruz Manila Voice:63(2) 743 6393 / 743 1829 Fax:63(2) 743 1829 ftduque@co.doh.gov.ph Dr. Robert Louie P.. So Head Executive Assistant San Lazaro Compound, Rizal Avenue Sta. Cruz Manila Voice:+63 (2) 711-9502 Dr. Ladislao N.. Yuchongco Jr. Director III San Lazaro Compound, Rizal Avenue Sta. Cruz, Manila Voice:+63 (2) 743-8301 to 23 loc. 1102/1101/1103 lnyuchongco@co.doh.gov.ph Atty. Ronaldo R. De Veyra Director III, Legal Service Division San Lazaro Compound, Rizal Avenue Sta. Cruz Manila Voice:+63 (2) 743-8301 to 23 loc. 2259;2260 rrdeveyra@co.doh.gov.ph Hon. Margarita M. Galon Undersecretary San Lazaro Compound Rizal Avenue, Sta. Cruz Manila Voice:+63 (2) 743...