Posts

Showing posts with the label ligtas

Salmo 33, 17-18. 19-20. 21 at 23

Image
Salmo 33, 17-18. 19-20. 21 at 23 Tugon: Sa D’yos hindi mabibigo ang mga nasisiphayo. Nililipol ng Diyos yaong masasama hanggang sa mapawi sa isip ng madla. Agad dinirinig daing ng matuwid inililigtas sila sa mga panganib. Tugon: Sa D’yos hindi mabibigo ang mga nasisiphayo. Tumutulong siya sa nasisiphayo ang walang pag-asa’y hindi binibigo. Ang taong matuwid, masuliranin man, sa tulong Poon, agad maiibsan. Tugon: Sa D’yos hindi mabibigo ang mga nasisiphayo. Kukupkupin siya nang lubus-lubusan, kahit isang buto’y hindi magagalaw. Mga lingkod niya’y kanyang ililigtas, sa napakukupkop, siyang mag-iingat! Tugon: Sa D’yos hindi mabibigo ang mga nasisiphayo.

Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8

Image
Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Tugon: Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Sa gitna ng paghihirap, tinawag ko’y Panginoon, Panginoon, ako’y dinggin pagkat ako’y tumataghoy, dinggin mo ang pagtawag ko’t paghingi ng iyong tulong. Tugon: Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan, lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan. Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa ‘yo ay matakot. Tugon: Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Sabik akong naghihintay sa tulong mo, Panginoon, pagkat ako’y may tiwala sa pangako mong pagtulong. Yaring aking pananabik, Panginoon ay higit pa, sa serenong naghihintay ng pagsapit ng umaga. Tugon: Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Magtiwala ka, Israel, magtiwala sa iyong Diyos, matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot, lagi siyang nahahandang sa sinuman ay tumubo...