Posts

Showing posts with the label lupain

Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21

Image
Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Tugon: Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos. Sa lupain nila’y mayroong taggutom na ipinarating itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain. Subalit ang Diyos sa unahan nila’y may sugong lalaki tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose. Tugon: Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos. Mga paa nito’y nagdanas ng hirap nang ito’y ipangaw, pati leeg niya’y pinapagk’wintas ng kolyar na bakal; hanggang sa dumating ang isang sandali na siya’y subukin nitong Panginoon, na siyang nangakong siya’y tutubusin. Tugon: Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos. Ang kinasangkapan niya’y isang hari, siyang nagpalaya, pinalaya siya nitong haring ito na namamahala, doon sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala, sa buong lupain, si Jose’y ginawa niyang katiwala. Tugon: Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos.

Amos 9:11-15

Image
11   Itatayo ko uli sa araw na iyon ang bu­mag­sak na tolda ni David at kukum­punuhin ang mga sira at ibabangon ang mga guho, ita­tayo kong gaya ng dati. 12  Sasakupin nila ang nalabi sa Edom at ang mga kalapit-bansang nakalaan sa pangalan ko. Ito ang sabi ni Yawe na gagawa ng lahat ng ito. 13   Sabi pa ni Yawe: “Dumarating ang mga araw na lalampasan ng nag-aararo ang nag-aani, ng pumipisa ng ubas ang nagtatanim. Tutulo ang bagong alak sa mga bundok at ma­tutunaw ang lahat ng burol. 14  Ibabalik ko mula sa pagkatapon ang bayan kong Israel; itatayo nilang muli ang wasak na mga lunsod at maninirahan doon. Magtatanim sila ng mga ubas at iinumin ang alak nito, mag­­kakaroon sila ng halamanan at kakanin ang bunga ng mga iyon. 15   Papag-uugatin ko sila sa sarili nilang lupain at hindi na sila bubu­nutin pa mula sa lupaing bigay ko sa kanila,” sabi ni Yawe na inyong Diyos.