Amos 8:4-6, 9-12
4 Makinig kayong lahat na nang-aapi sa dukha at naghahangad na alisin sa lupain ang mga aba. 5 Sabi ninyo: “Kailan matatapos ang Bagong Buwan o ang Araw ng Pahinga nang mabuksan namin ang tindahan ng trigo? Bawasan natin ang takal at itaas ang presyo; gamitin ang madayang timbangan at 6 ipagbili kahit na ang ipa, ipagpapalit natin sa pera ang dukha at sa isang paris na sandalyas ang nagdarahop.” 9 Sabi ni Yawe: “Sa araw na iyon, palulubugin ko ang araw sa katanghalian at papagdidilimin ang lupa sa araw na maaliwalas. 10 Gagawin kong pagluluksa ang inyong mga pagpipiyesta, at pagtangis ang inyong mga awit. Magluluksa ang lahat, magdadamit ng sako at mag-aahit ng ulo, na parang nawalan ng iisang anak na lalaki at magiging mapait ang katapusan. 11 Sabi ng Panginoong Yawe: “Darating ang mga araw na magpapadala ako ng pagkagutom sa lupain, hindi pagkauhaw sa tinapay o sa tubig kundi pagkauhaw na marinig ang salita ni Yawe. 1...