Posts

Showing posts with the label matakot

Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9

Image
Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9 Tugon: D’yos na makapangyariha’y kapiling nating kanlungan. Ang Diyos ang lakas natin at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan; di dapat matakot, mundo’y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok mabuwal. Tugon: D’yos na makapangyariha’y kapiling nating kanlungan. May ilog ng galak sa bayan ng Diyos, sa banal na templo’y ligaya ang dulot. Ang tahanang-lungsod ay di masisira; ito ang tahanan ng Diyos na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga. Tugon: D’yos na makapangyariha’y kapiling nating kanlungan. Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. Anuman ang kanyang ginawa sa lupa, sapat nang pagmasdan at ika’y hahanga! Tugon: D’yos na makapangyariha’y kapiling nating kanlungan.

Mateo 17:1-9

Image
1 Pagkaraan  ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila'y umakyat sa isang mataas na bundok.  2 Habang sila'y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit.  3 Nakita na lamang ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. 4 Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Panginoon, mabuti't naririto kami. Kung gusto ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol, isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.” 5 Habang  nagsasalita pa si Pedro, nililiman sila ng napakaliwanag na ulap. Mula rito'y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!”  6 Nang marinig ng mga alagad ang tinig, labis silang natakot at nagpatirapa.  7 Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinawakan. “Tumayo kayo, huwag kayong matakot!” sabi niya.  8 Nang tumingin sila...