Posts

Showing posts with the label nagkatawang-tao

Huwebes - Enero 19, 2012,Ika-2 Linggo ng Taon

Image
Huwebes - Enero 19, 2012 Ika-2 Linggo ng Taon Unang Pagbasa 1 Samuel 24:3-21 3 Nang mapatapat sila sa isang kulungan ng tupa sa tabi ng daan, dumumi si Saul sa loob ng kuweba sa tapat ng mga kulungan ng tupa. Nagkataon namang si David at ang kanyang mga tauhan ay nagtatago sa loob ng kuwebang iyon. 4 Sinabi kay David ng kanyang mga tauhan, "Ito na ang katuparan ng sinabi ni Yahweh na, 'Ibibigay ko sa iyo ang iyong kaaway at maaari mong gawin sa kanya ang gusto mo.' " Dahan-dahang lumapit si David at pinutol ang laylayan ng kasuotan ni Saul. 5 Nang magawa niya ito, inusig siya ng kanyang budhi sapagkat para na niyang nilapastangan ang hari. 6 Sinabi niya sa kanyang mga tauhan, "Huwag nawang itulot ni Yahweh na gawan ko ng masama ang hari na kanyang hinirang." 7 Pinakiusapan ni David ang kanyang mga kasama na huwag saktan si Saul. Tumayo na si Saul at umalis. 8 Nang malayu-layo na si Saul, lumabas ng kuweba si David at sumi...

Sabado - Disyembre 31, 2011, Ika-7 na Araw ng Pagdiriwang ng Pasko (San Silvestre I)

Image
Sabado - Disyembre 31, 2011 Ika-7 na Araw ng Pagdiriwang ng Pasko (San Silvestre I) Unang Pagbasa 1 Juan 2:18-21 Ang Anti-Cristo 18 Mga anak, ito na ang huling panahon! Tulad ng inyong narinig, darating ang anti-Cristo. Ngayon nga'y marami nang lumilitaw na mga anti-Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas. 19 Kahit na sila'y mga dati nating kasamahan, ang mga taong iyon ay hindi natin tunay na kasama. Sapagkat kung sila'y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila, kaya't maliwanag na silang lahat ay hindi tunay na atin. 20 Ngunit ipinagkaloob na sa inyo ang Espiritu Santo, at dahil dito, alam na ninyo ang katotohanan. 21 Sumusulat ako sa inyo, hindi dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan, kundi dahil alam na ninyo ito, at alam din ninyong walang kasinungalingang nagmumula sa katotohanan. Salmo Awit 96:1-13 Diyos ang Kataas-taasang Hari 1 Purihin natin...