Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria
UNANG PAGBASA Mikas 5, 1-4a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas Ito ang sinasabi ng Panginoon: Betlehem Efrata, bagamat pinakamaliit ka sa mga angkan ni Juda ay sa iyo magmumula ang isang maghahari sa Israel. Ang pinagmula’y buhat pa nang una, mula pa noong unang panahon. Kaya nga, ang bayan ng Panginoon ay ibibigay niya sa kamay ng mga kaaway hanggang sa isilang ng babae ang sanggol na maghahari. Pagkatapos, babalik sa Israel ang nalabi sa bansang ito. Pagdating ng haring yaon, pamamahalaan niya ang Israel sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoong na kanyang Diyos. At ang Israel ay mamumuhay na ligtas, sapagkat ang haring yaon ay kikilanin ng buong sanlibutan. Sa kanya magmumula ang kapayapaan natin. Ang Salita ng Diyos. o kaya: Roma 8, 28-30 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma Mga kapatid: Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagk...