PANALANGIN KAY SAN AGUSTIN
O San Agustin, pinili ka nang Amang Lumikha upang maging Guro ng pag-ibig, ilaw ng mga mangangaral at mag-aaral, Pantas ng Simbahan, haligi ng Santa Iglesia, tagapagtanggol ng pananampalatayang Kristiyano at kalasag laban sa mga kaaway. Hayaan mong matularan ko ang iyong halimbawa ng pagbabalik-loob sa Diyos upang ako rin ay makatamasa ng matuwid na landas tungo sa kaginhawahang walang katapusan upang ang puso ko ay pamahayan ng Banal na Santatlo. Ipanalangin mo ako, patron kong San Agustin, upang ang aking bisyo at mga maling aral na pinaniniwalaan ay aking maituwid sa tulong at awa ni Hesu-Kristo. Tulad ng iyong nasumpungan sa sulat ni San Pablo sa Bagong Tipan, nawa ay “maiwasan kong malugmok sa lusak ng kamunduhan at kalaswaan; at maisuot ko ang damit ng aking Panginoong Hesu-Kristo.” Tulungan mo ako, San Agustin, upang manaig sa akin ang karunungan at katalinuhan na biyaya sa akin ng Diyos. Nawa ang mga biyayang ito ay maghatid sa aking buhay nang kabanalan. Papagliwanagan mo ...