Posts

Showing posts with the label pangalan

Lukas 10:17-24

Image
Tuwang-tuwang nagbalik ang pitumpu’t dalawa at ang sabi: ” Panginoon, mga demonyo ma’y sumuko sa amin dahil sa iyong pangalan.” Sinabi naman ni Jesus: “Nakita kong bumagsak na parang kidlat si satanas mula sa langit. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihang yumapak sa mga ahas at alakdan. Masusupil n’yo ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang anumang makapipinsala sa inyo. Ngunit magalak kayo hindi dahil sa pagsuko sa inyo ng mga espiritu kundi sapagkat nasusulat sa langit ng inyong mga pangalan.”Nang sandaling iyo’y nag-umapaw sa galak sa Espiritu Santo si Jesus at sinabi niya: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurrunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama naging nakalugud- lugod ito sa inyo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakilala kung sino ang Anak kundi ang Ama, at kung sino ang Ama kundi ng Anak at ang sinuman gustuhing pagbunyagan ng Anak.” Pagkatapos ay bumaling s...

Alaala sa Kabanal-banalang Pangalan ni Jesus

Image
January 3, 2011 - Opsyonal na alaala para sa Pinaka-banal-banalang Pangalan ni Jesus Pinagdiriwang ng Iglesia ngayon ang opsyonal na alaala ng Kabanal-banalang Pangalan ni Jesus. Ayon sa 1962 misal ng Beato John XXIII pambihirang pamamaraan ng seremonyang Romano ang kapistahang ito na bantog sa Enero 2. Sa maliturhiyang pagbabago ng Vatican II, ang kapistahan ay tinanggal, bagaman pwedeng ipagdiwang bilang Misa Votiva para sa mga maydebosyon nito. Sa paglabas ng rebisadong Romano misal noong Marso 2002, ang kapistahan ay naibalik bilang isang opsyonal na alaala sa ordinaryong pamamaraan sa Enero 3. Sapamamagitan ng Iglesia ay naipapahayag sa atin ang mga kababalaghan ng magkatawang-tao ng Salita sa pamamagitan ng pag-awit ang mga kaluwalhatian ng Kanyang pangalan. Ang pangalan ni Jesus ay nangangahulugan na Tagapagligtas; ito ay ipinapakita sa isang panaginip kay Jose kasama ang kahulugan nito at sa ating kamahal-mahalang birhen ng pagpapahayag sapamamagitan ng arkanghel Gabriel. ...

Martes - Enero 3, 2012, Bago Mag-Epifania (Banal na Pangalan ni Jesus)

Image
Martes - Enero 3, 2012 Bago Mag-Epifania (Banal na Pangalan ni Jesus) Unang Pagbasa 1 Juan 2:29–3:6 29 Kung alam ninyong si Cristo'y matuwid, dapat din ninyong malaman na ang bawat gumagawa ng matuwid ay anak ng Diyos. Ang mga Anak ng Diyos 1 Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos, at iyan nga ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan: hindi nila kinikilala ang Diyos. 2 Mga minamahal, anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagparitong muli ni Cristo, tayo'y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya. 3 Kaya't ang sinumang may ganitong pag-asa ay nagsisikap na maging malinis ang pamumuhay tulad ni Cristo. 4 Ang bawat nagkakasala ay lumalabag sa kautusan ng Diyos, sapagkat ang kasalanan ay paglabag sa kautusan. 5 Nalalaman ninyong naparito si Crist...