Posts

Showing posts with the label parusa

Jeremias 17, 5-10

Image
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias 17, 5-10 Sinasabi ng Panginoon, “Parurusahan ko ang sinumang tumatalikod sa akin, at nagtitiwala sa kanyang kapwa, sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhay. Ang katulad niya’y halamang tumubo sa ilang, sa lupang tigang, at sa lupang maalat na walang ibang tumutubo; walang mabuting mangyayari sa kanya. “Ngunit maligaya ang taong nananalig sa Panginoon, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Ang katulad niya’y halamang nakatanim sa tabi ng batisan, ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mamamalaging luntian ang mga dahon nito, kahit di umulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga. “Sino ang makauunawa sa puso ng tao? Ito’y magdaraya at walang katulad; Wala nang lunas ang kanyang kabulukan. Akong Panginoon ang sumisiyasat sa isip at sumusubok sa puso ng mga tao. Ginagantihan ko ang bawat isa ayon sa kanyang pamumuhay, at gin...

Lucas 6, 36-38

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Lucas 6, 36-38 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama. Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan ng Diyos. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng Diyos. Magpatawad kayo sa inyong kapwa, at patatawarin kayo ng Diyos. Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin ng Diyos sa inyo.”

Salmo 78, 8. 9. 11 at 13

Image
Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Huwag mong parusahan kaming mga anak, sa pagkakasala ng aming magulang, ikaw ay mahabag sa mga lingkod mong pag-asa’y pumanaw. Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Mahabag ka sana, kami ay tulungan, Panginoong Diyos na Tagapagligtas, dahil sa ngalan mo, kaming nagkasala’y patawaring ganap at ang pagpupuri sa iyo ng madla’y hindi maglilikat. Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Iyong kahabagan ang mga bilanggong kanilang hinuli, dinggin mo ang daing, sa taglay mong lakas, iligtas mo silang takdang papatayin. Kaming iyong lingkod, lingkod mo kaming parang mga tupa sa iyong pastulan, magpupuring lagi’t magpapasalamat sa iyong pangalan! Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin.

Panalangin Laban sa Parusang Kamatayan

Image
Namumuno: Ama, pinagmumulan at tagapagbigay ng buhay, itinataas namin ang aming mga puso at mga hinaing sa Inyo. Tulungan N’yo kami upang bumuo ng isang lipunan na tunay na nagpapahalaga sa buhay sa lahat ng pagkakataon. Ang ating itutugon: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa mga nakararanas ng sákit at hapis dahil sa karahasan at krimen, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa mga nagsasagawa at mga biktima ng karahasan na kapuwa nakikipagtunggali sa galit at poot na kanilang nararanasan, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa basag-basag naming sangkatauhan na iginagapos ng hangaring maghiganti, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa aming sugatang lipunan na inililigaw ng ilusyong dapat kumitil ng buhay upang ipagtanggol ito. Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang aming nagdaramdam na kalooban. Na...