Posts

Showing posts with the label pasalamat

Salmo 78, 8. 9. 11 at 13

Image
Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Huwag mong parusahan kaming mga anak, sa pagkakasala ng aming magulang, ikaw ay mahabag sa mga lingkod mong pag-asa’y pumanaw. Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Mahabag ka sana, kami ay tulungan, Panginoong Diyos na Tagapagligtas, dahil sa ngalan mo, kaming nagkasala’y patawaring ganap at ang pagpupuri sa iyo ng madla’y hindi maglilikat. Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Iyong kahabagan ang mga bilanggong kanilang hinuli, dinggin mo ang daing, sa taglay mong lakas, iligtas mo silang takdang papatayin. Kaming iyong lingkod, lingkod mo kaming parang mga tupa sa iyong pastulan, magpupuring lagi’t magpapasalamat sa iyong pangalan! Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin.

Lukas 17:11-19

Image
Habang papunta si Jesus sa Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Samaria sa Galilea. At pagpasok niya sa isang nayon, may sampung lalaking may ketong ang lumabas para salubungin siya. Tumayo ang mga ito sa malayo at tumawag ng malakas: “Jesus, Guro, maawa ka sa amin.” At sinabi naman sa kanila ni Jesus: “Umalis kayo at humarap sa mga pari.” At nagyari na gumaling sila habang naglalakad. Isa sa kanila ang agad na nagbalik nang makita niyang gumaling siya, at pasigaw niyang pinuri ang Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus, sa pagpapasalamat sa kanya. Isa siyang Samaritano. Kaya sinabi ni Jesus: “Hindi ba’t sampu ang gumaling? Nasaan ang siyam? Wala bang bumalik para magpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” At sinabi sa kanya ni Jesus: “Tumayo ka, iniligtas ka ng iyong pananampalataya.” Source: Radio Verita s