Posts

Showing posts with the label pasko

Homiliya Sa Pagsisimula ng Kuwaresma 2017 ni Obispo Buenaventura

Image
Noong nakaraang taon, nagdiwang tayo ng Panahon ng Adviento na sinundan ng Panahon ng Pasko. Masaya nating ipinagdiwang ang kapanganakan ni Jesus. Ngayon nagsisimula tayo ng Panahon ng Kuwaresma. Malaki ang agwat ng kaligayahan ng Pasko at kalungkutan ng Kuwaresma. Ang totoo, ang dalawang ito ay magkadugsong at hindi magkahiwalay. Sa Pasko, ipinagdiwang natin ang kapanganakan ni Jesus bilang ating manunubos. Sa Kuwaresma isinasakatuparan na ni Jesus ang pagiging manunubos. Siyempre sa Kuwaresma naroon ang kalungkutan pero may dahilan ito. Sa kuwaresma, hinaharap natin ang katotohanan bilang tao na makasalanan. Ano ang kahulugan ng pagiging makasalanan? Malayo sa Diyos, sumuway sa Diyos, nagtakwil sa Diyos. Kung inilalayo, kung sumusuway, kung itinatakwil natin ang bukal ng lahat ng kabutihan, katotohanan, kaligayahan, pag-ibig at kapayapaan saan tayo napupunta? Sa kasamaan, kasinungalingan, sa kapighatian, sa pagkamuhi at kaguluhan. Tayo ay nahihirapan, naguguluhan, nasa...

Against Death Penalty and Extra Judicial Killing

Image
The Church has been a voice in the wilderness crying out against the reimposition of the Death Penalty and the blind eye of the Philippine Government on Extra Judicial Killing on its war on illegal drugs since the President Duterte assume office. Since then a lot of explanation has been voice out on the immorality of Death Penalty and Extra Judicial Killing however, I would like to share with you the pastoral letter of the San Pablo Diocese Bishop Buenaventura M. Famadico on such issue highlighting that killing fellow Filipinos is not the solution to the problem.  Ang mga sumusunod na pangungusap ang LIHAM PASTORAL ng Lub. Kgg. Mons. Buenaventura M. Famadico, D.D., Lingkod-Obispo ng San Pablo, para sa Araw ng Pasko (2016): Minamahal kong mga kapwa anak ng Diyos, Ipinagdiriwang natin ngayon ang pagsilang ng Diyos na naging tao. Ang Diyos ay naging tao upang tayong mga tao ay makibahagi sa kaluwalhatian, pag-ibig, kagalakan, kapayapaan at buhay na walang hangga...

Reyna ng Langit

Image
Reyna ng Langit magsaya! Alleluia! Anak mong dinala sa tuwa! Alleluia! Ay nabuhay nang magmuli! Alleluia! Ipanalangin mo kami sa Ama! Alleluia!

Sabado - Disyembre 31, 2011, Ika-7 na Araw ng Pagdiriwang ng Pasko (San Silvestre I)

Image
Sabado - Disyembre 31, 2011 Ika-7 na Araw ng Pagdiriwang ng Pasko (San Silvestre I) Unang Pagbasa 1 Juan 2:18-21 Ang Anti-Cristo 18 Mga anak, ito na ang huling panahon! Tulad ng inyong narinig, darating ang anti-Cristo. Ngayon nga'y marami nang lumilitaw na mga anti-Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas. 19 Kahit na sila'y mga dati nating kasamahan, ang mga taong iyon ay hindi natin tunay na kasama. Sapagkat kung sila'y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila, kaya't maliwanag na silang lahat ay hindi tunay na atin. 20 Ngunit ipinagkaloob na sa inyo ang Espiritu Santo, at dahil dito, alam na ninyo ang katotohanan. 21 Sumusulat ako sa inyo, hindi dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan, kundi dahil alam na ninyo ito, at alam din ninyong walang kasinungalingang nagmumula sa katotohanan. Salmo Awit 96:1-13 Diyos ang Kataas-taasang Hari 1 Purihin natin...