Posts

Showing posts with the label pastol

Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Image
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang. Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan, at inaakay niya ako sa tahimik na batisan, binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan. Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay. Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan, hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay; ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang. Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang, ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway; nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw. Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan, sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay; doon ako sa t...

Genesis 4

Image
Cain at Abel 4    •  1  Nakipagtalik ang Tao sa kanyang asawang si Eva; naglihi si Eva at ipina­nganak niya si Cain – sapagkat si­nabi niyang “ Nagkamit  ako ng isang lala­ki sa tulong ni Yawe.” 2  Pagkatapos, isinilang niya si Abel na kapatid ni Cain. Isang pastol ng mga tupa si Abel, at magsasaka naman si Cain. 3  Pagkaraan ng ilang panahon, nag­handog si Cain kay Yawe ng mga ani ng lupa.  4  At naghandog din si Abel: inialay niya ang mga unang anak ng kanyang kawan at sinunog ang mga taba niyon. Nasiyahan si Yawe kay Abel at sa handog nito,  5  pero hindi siya nasi­yahan kay Cain at sa handog nito. Ikinagalit na lubha ito ni Cain at siya’y nalungkot.  6  At sinabi ni Yawe kay Cain: “Bakit ka galit at malungkot?  7  Kung gagawa ka ng mabuti, ika’y mama­butihin. Ngunit kung hindi ka gagawa ng mabuti, nag-aabang sa pin­tuan ang kasalanan. Han­da siyang sugu­rin ka, ngunit ikaw ang dapat maka...

PANALANGIN PARA SA BAGONG ARSOBISPO

Image
PANALANGIN PARA SA BAGONG ARSOBISPO Ama naming mapagkalinga, ikaw ang laging nangangasiwa sa iyong Simbahan bilang pangulo ng lahat ng nagaganap dito at tagapamahalang nagmamahal sa lahat ng bumubuo nito. Kalugdan mo ang iyong lingkod na si Luis Antonio na niloob mong lumingap sa iyong kawan ng may pagmamalasakit ng isang pastol na uliran. Ipagkaloob mong ang iyong lingkod ay maging matapat na tagapagturo ng dapat sampalatayanan yayamang siya ang tagapangasiwang gumaganap sa tungkulin ni Kristo bilang paring nangunguna sa pagsamba at lingkod na namamahala. Ang kanyang pagsasalita at pagiging uliran ay magpaunlad at magpabanal nawa sa sambayanan at ang kanyang pagmamalasakit ay magdulot ng iyong pagpapala. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen. Ang panalanging ito ay pwede ring gamitin sa sino mang maging bagong arsobispo o obispo o maging sa bagong kura paroko, palitan lang ang pangalang nakalagay at ipalit ang pangalan ng bagong arsobispo, obispo o...

Bakit umurong ang Simbahan sa pakikipagusap sa Gobyerno Tungkol sa RH Bill

Image
Maraming nagtatanong bakit ang simbahan ay umalis sa pakikipagusap tungkol sa RH bill sa mga nasa Gpbyerno ng Aquino. Ang Pastoral Letter na ito na ipinalabas noong Mayo 11, 2011, ang linggo ng Mabuting Pastol, ang sasagot diyan sa pamamagitan ni Obispo Leonardo C. Legaspi. Pastoral Letter explaining the decision of CBCP to withdraw from talks With MalacaƱan on HB 4244 “My sheep hear my voice; I know them, and they follow me” (Jn 10: 27) Pastoral Letter explaining the decision of CBCP to withdraw from talks With MalacaƱan on HB 4244 My dear people of God, As we celebrate this Sunday the Feast of the Good Shepherd, allow me once more to fulfill my obligation as your shepherd in the archdiocese. There remains to be one Good Shepherd, Our Lord Jesus, who urges each of us to conform ourselves with Him, to imitate Him and to follow Him. As your archbishop, it is my duty to help you, in the best of my ability, to make the voice of our Lord clearer and understandable. Only w...